Chapter 12

157K 7.5K 1.7K
                                    

Chapter 12


Kung dati hindi ako kinakabahan tuwing umaga, ngayon nasa kama pa lang ako ay ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko. Nagtalukbong ako ng aking kumot nang marinig ko ang pagbubukas ng pintuan.

Si mommy ang laging nagbubukas ng kurtina ng kwarto ko tuwing umaga. Gusto ko na lamang munang tumigil sa kwarto ko, ayaw ko munang bumaba.

Today is Saturday, Triton's schedule for his water delivery. While Ahmed's delivery for his baked breads and cookies.

Ilang beses akong gumulong sa kama habang iniisip kung papaano ako haharap sa dalawang kababata ko.

"Good morning my baby girl, alam kong gising ka na. Mag-ayos ka na, may dadating dyan mamaya." Natatawang sabi ni mommy.

"Mommy naman, dito na lang muna ako." Napanguso ako sa ilalim ng kumot.

Naramdaman kong naupo siya sa kama ko at sinimulan niyang tanggalin ang kumot ko.

"Come on, bakit ka ba nahihiya sa kanila? They're still your friends baby." Napatili akong nang sinimulan akong kilitiin ni mommy.

"Mommy!"

"Babangon na ang baby ko, babangon na ang dalaga ko." Tawa ako nang tawa habang walang tigil sa pagkiliti sa akin si mommy.

"Alright, alright. Babangon na ng apo, tama na mommy!" naupo na ako sa kama habang tinatawanan ko ni mommy.

"Ipaghahanda kita ng isusuot."

"Why? Ako na po, wala naman akong pupuntahan. Bakit kailangan kong mag ayos?" ngumisi lang sa akin si mommy.

"Mommy, why am I having this feeling that you're enjoying my situation? Hindi ko gusto ang nangyayari mommy."

"That's life Euphie, life is full of choices. Hindi pwedeng hindi ka pipili, dahil sa huli anak ikaw lang ang mahihirapan." Tinapik ni mommy ang pisngi ko at iniwan na niya ako.

Naupo muna ako sa aking kama ng ilang minuto bago ko naisipan na ayusin ang sarili ko. Eksaktong pababa na ako ng hagdan nang makita ko si Triton na papasok pa lang sa bahay habang buhat ang dalawang container ng malaking mineral water.

Ngumisi siya sa akin at mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Suplada" natatawang sabi niya at nagtuloy siya sa aming kusina.

Sinundan lang ng aking mga mata si Triton, hihintayin ko na lang ba siyang makalabas o tutuloy na ako sa kusina?

Ipinilig ko ang ulo ko at pinagpatuloy ko ang pagpunta sa kusina. Nagtatawanan sila ni mommy nang pumasok ako.

"Oh, kumain ka na Euphie. Akala ko mamaya ka pa pupunta dito dahil nandito si Triton."

"Mommy!" iritadong sabi ko.

Naiinis na ako kay Triton, bakit parang wala lang sa kanya ang mga sinabi niya sa akin?

Bakit sa akin lang ang awkward?

"Huwag mo akong iwasan Euphie, sige ka hindi na ako magdadala ng tubig dito." Pagbibiro sa akin ni Triton.

"Si Triton ang manliligaw na hindi ka uuhawin anak." Natatawang sabi ni mommy.

"I like that Tita." Ngising sagot ni Triton bago kumagat ng green apple pero nasa akin ang kanyang mga mata.

"May pupuntahan ka ba mamaya Euphie? Samahan mo naman ako. Tita can I ask Euphie out?" tanong ni Triton.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon