Chapter 4 - Shane

330K 9K 5.5K
                                    

A/N

Sorry for the long wait :)) Who's excited for the Diary ng Panget Movie? Who's going to watch on April 2? See you at SM Manila guysss :D

-OnneeChan

_____________________________________________________________________

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"Class, dahil wala pa si Ms. Rhianne at mukhang matatagalan pa ang kanyang pagbalik, mag-aassign tayo ng bagong lead actress para sa upcoming play natin." rinig kong sabi ng prof namin.

Nakakairita sila. Kung makapagsalita sila tungkol kay Rhianne ay parang wala silang pakialam na nawawala siya.

"Okay ba sayo 'yon, Maxwell?"

"Ha?"

"Tutal ikaw naman ang lead actor, okay lang ba sayo na hindi si Rhianne ang kapartner mo?"

"Kailan ako naging lead actor?" nagtataka kong tanong.

"Nako. Hindi ka talaga nakikinig. Last month pa natin pinag-usapan 'yon Mr. Aguas. Kung hindi mo pa naaalala, 'Isabella' yung title ng play natin. at ikaw ang lead actor na kasintahan ng bidang si Isabella. Okay na?"

Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko maalala na diniscuss pala samen 'yon.

"So, sino willing na kumuha ng role dapat ni Rhianne bilang si Isabella?"

Tinignan ko ang mga kaklase ko. Walang nagtataas ng kamay. Bakit?

"Ako nalang po, Prof." tumayo si ... Ano nga pala pangalan niya? Nakalimutan ko na. Basta ang alam ko, isa siya sa mga maaarte kong kaklase. Isa siya sa mga feeling reyna sa classroom.

"Are you sure Miss Flores?" tanong ng Prof namin. Oo nga pala. Ella Flores nga pala pangalan niya.

Tumingin sa akin si Ella. "Ofcourse, Prof. I'm very sure."

"Okay, practice starts on Wednesday. Ididiscuss natin bukas ang buong story ng play natin and mag-aassign na rin ako ng staffs. Class dismiss."

Lumabas na ng classroom si Prof. Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko. Rhianne... Naiisip ko nalang siya palagi. Bakit ba hindi namin siya makita? Ano ba dapat naming gawin?

Nagvibrate yung phone ko.

From: Alexander

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon