Chapter 21 - Anger

246K 6.8K 5.7K
                                    

Feeling ko maiinis kayo kay Maxwell sa chapter na 'to. At feeling ko mas maiinis kayo kay Shane XD

-Onneechan

_____________________________________________________________________________

CHAPTER 21 - Anger

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

Galit na galit ako.

Paano nagawa sa akin ni Rhianne 'yon?

Paano niya ako nagawang saktan?

Siya ang nagbato ng maliit na kutsilyo sa binti ko.

BAKIT?

BAKIT NIYA BA KAMI TINATAKBUHAN?

BAKIT BA AYAW NIYANG MAGPAKITA SA AMIN?

ANO BANG NAGAWA KO?

*Tok tok*

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nasa ospital parin ako. Leche kasi eh. Halos maubusan nako ng dugo dahil sa sugat na natamo ko sa binti.

"M-Maxwell?" rinig kong boses ng isang babae. Nakatalikod ako sa pinto at hindi man lang lumingon.

Hindi ko maiwasan na isiping si Rhianne ang babaeng kumatok.

"Maxwell.. okay ka na ba?"

Pamilyar sa akin ang boses na ito.

Humarap na ako sa kanya. May hawak siyang basket na puno ng prutas.

"Para sayo 'to oh." Nilapag niya sa bedside table ko ang basket na hawak niya.

"S-Shane.." Umupo siya sa upuan sa tabi ko. Tinitigan ko siya.

Naiinis ako.

Bakit kapag natingin ako sa kanya ay naaalala ko si Rhianne?

"Wag ka sanang magalit sa tatanungin ko.. pero.." yumuko siya. "Ano ba talaga nangyari?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Napapikit ako.

"Tungkol ba yan kay Rhianne?" tanong niya. Tinalikuran ko siya. Ayokong makita niya akong ganito. Nakakahiya.

"Mababawasan ang sakit pag kinuwento mo 'yan Maxwell." Naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko. "Nandito lang ako. Hindi kita iiwan."

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now