Chapter 27

221K 6.7K 2.4K
                                    

Ang laki ng problema ko :'( Nakalimutan ko kung sino yung next kong idededicate sa chapter :'( Sorry pooo, pakimessage po ako nung nakausap ko sa twitter :( Sorry po talaga, ang dami kong ginagawa :(

Thank you nga po pala kay predisposed sa pag-edit ng bagong cover ng SS2 ^_^ Galing nya!

-Onneechan

______________________________________________________________________________

CHAPTER 27

=x=x=x ALEXANDER x=x=x=

 Sht.

"Louisse. Kausapin mo naman ako." bulong ko kay Louisse. Kanina pa sya tahimik habang nagdadrive ako papunta sa St. Jupiter's Cathedral.

"Psst. Louisse." ulit ko. Nasa likod nakaupo sina Maxwell, Ian at Julia habang nasa passenger's seat naman nakaupo si Louisse.

"Itigil mo nga yung kotse," sabi niya. Napasimangot naman ako sa kanya. Saktong stop light kaya tinigil ko yung kotse.

"Bakit? Teka--" biglang siyang bumaba sa kotse at binuksan ang pinto sa likod.

"Julia, palit muna tayo ng upuan. Doon ka sa harap," inis na utos niya. Agad namang lumipat si Julia sa harap. Mukhang natakot yata. Umupo na sa likod si Louisse at isinara ang pinto.

Ano bang problema nito ni Louisse?

Nabalot ng katahimikan ang kotse. Ang tagal naman mag-green yung stop light. Binuksan ni Julia yung radio at sakto namang nag-green na yung stop light. Malapit na kami.

'I look at her and have to smile

As we go driving for a while

Her hair blowing in the open window of my car

And as we go the traffic lights

Watch them glimmer in her eyes

In the darkness of the evening

And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me'

Narinig kong tumawa si Ian. Tumingin ako sa rearview mirror at nakitang nakasimangot si Louisse.

"Favorite song ko 'to!" maarteng sabi naman ni Julia. Natawa ulit si Ian -_-

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa St. Jupiter's Cathedral. Nakita naming may nagmimisa sa loob. Dahan-dahan kaming pumasok sa simbahan. Magdidilim na. 6:30pm.

"Nasaan si Shane?" tanong ni Ian. Umupo kami sa pinakalikod at tumingin-tingin sa paligid. Nagtayuan na ang mga tao para sa pag-awit ng 'Ama Namin'.

"Si Shane ba yun?" turo ni Julia sa tabi ng piano malapit sa mga choir. May babaeng nakasilip.

Biglang tumakbo si Maxwell papunta doon. Sinundan namin siya. Nakita naming tumakbo si Shane at pumasok sa isang pinto sa gilid ng simbahan. Nagtitinginan na ang mga tao sa amin.

"SHANE!" sigaw ni Louisse.

Bakit tumatakbo si Shane? Ano ang tinatago niya?

x=x=x= LOUISSE x=x=x

"Nawala siya bigla.." sabi ko.

Nasa likod na kami ng simbahan. Saan nagpunta si Shane? Bakit bigla siyang nawala?

"Tara na." sabi ni Alexander.

"Maghintay pa tayo. Baka lumabas pa si Shane." mahinang sabi ni Maxwell.

"Tara na Maxwell. Gabi na. Balik nalang tayo." sabi naman ni Julia.

"Pumasok nalang muna tayo sa simbahan at magtanong." sabi ko. Sumang-ayon naman sila. Pagpasok namin ay tapos na pala ang misa. Nakita naming nag-aayos na yung mga sakristan. Lumapit kami sa isang lalaking mukhang kaedad lang namin.

"Uhm, excuse me. May itatanong lang sana kami.." magalang kong sabi. Ngumiti naman siya at tinanong kung ano ba ang itatanong namin.

"May kilala po ba kayong Shane?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Opo, kilala ko po si Ate Shane. Bakit po?" tanong niya.

"Nasaan siya?" tanong ni Maxwell.

"Nandito lang po siya kanina. Hindi ko po alam kung saan pumunta." sabi niya.

"Salamat. Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko.

"France po." nakangiti niyang sabi.

"Sige, babalik nalang po kami." paalam ko.

Umalis na kami at umuwi. Nasaan na ba si Rhianne?

Palagi ko nalang tinatanong. May masama akong kutob. Hindi ko lang alam kung ano.

Pagbukas ko ng kwarto ko ay halos matumba ako. Nakabukas ang bintana. May pulang envelope sa taas ng kama ko.

Sht.

Wag mong sabihing..

Nanggaling siya dito?

Tumakbo ako palapit sa bintana at mabilis na isinarado iyon. Umupo ako sa kama at pinulot ang pulang papel. Dahan-dahan ko iyong binuksan. Nanlaki ang mga mata ko.

"ALEXANDER! ALEXANDER DALI! MAXWELL! DALI!" sigaw ko. Narinig ko ang mga paa nilang nagmamadali na umakyat at pumunta sa kwarto ko.

"P*TA LOUISSE ANONG NANGYARI?" natatarantang tanong ni Alexander. Kumalma naman siya nang makitang nakaupo ako sa kama. "Sht naman Louisse. Akala ko naman may nangyari nang masama sayo."

"OMG. Nagising pako. Patulog nako eh." maarteng sabi ni Julia.

"Ano bang meron?" sabay naman na sabi ni Ian at Maxwell.

"Tignan niyo 'to." Inabot ko sa kanila yung pulang envelope.

"Je Suis En Vie?"

______________________________________________________________________________

Ngayon ko lang nalaman na may love team pala na MaxAnne at LouiXander XD Thank you po ^_^

Yung Je Suis En Vie na letter po pala mula sa book 1 ay nagbabalik! :D

-Engkantadang Onneechan

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon