Chapter 9 - Meow

281K 7.7K 2.1K
                                    

A/N

Hey guys :D For questions about Special Section 1 & 2, contact me on facebook -> https://www.facebook.com/OnneechanWattpad

Kasi hindi naman ako nakakareply sa inyo pag nagcocomment kayo :(

-Onneechan

_________________________________________________________________

=x=x=x ALEXANDER x=x=x=

'Enjoy.

-Hanes'

Nilukot ko yung papel.

"Alexander...." Napatingin ako sa pinto. "AHHHHHHHHHHHHH!"

Hinatak ko palayo ng kwarto ni Rhianne si Louisse.

"A-Anong nangyari Alexander?" nanginginig si Louisse. "Bakit puro dugo?"

"Bumaba ka muna Louisse. Tawagan mo si Maxwell tsaka si Detective Joan."

Bumalik ako sa kwarto ni Rhianne. Tinignan ko kung may nawawalang gamit si Rhianne. Binuksan ko yung cabinet niya.

Teka, bakit walang laman? Nasaan na yung mga damit ni Rhianne?

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

*ring ring ring ring ring* 

Louisse calling...

"MAXWELL! Bitawan mo nga muna 'yang cellphone mo! Nasa practice tayo eh!" Binitawan ko yung cellphone ko. Palagi nalang ako sinisigawan ni Prof. Nakakainis na.

Umakyat na ulit ako sa stage.

"Ang scene na ito ay yung scene kung saan unang nagkita si Lucas at Isabel. Fiesta sa nayon at as soon as magtama ang tingin ni Lucas at Isabel ay nagsayaw sila. Make it look like it's love at first sight okay?" tulala lang ako at napansin kong nakatingin sila saken. "Ayusin mo acting mo Maxwell."

Nag-dim yung lights at nag-sign na si Prof para simulan na yung scene.

Nagsimulang tumugtog yung kantang All Of Me ni John Legend. Naglakad ako sa gitna ng stage na mukhang plaza dahil sa design na ginawa ng propsmen namin. 

Lumabas si Ella mula sa backstage. Nakaputing floral dress siya. Nakakulot ang buhok at naka-light make-up. Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa gitna ng stage habang natingin lang saken.

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon