Chapter 8 - Hanes

270K 8K 4.5K
                                    

A/N

Hello guys! Thank you po kasi palaging napapasok sa top 5 sa Horror Genre ang Special Section 2 :)

-OnneeChan

__________________________________________________

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

 "Alexander.. ano yan?" 

 

"CCTV Camera." sabi ni Alexander habang may kinakabit siya sa labas. Pumasok na siya at umupo sa sofa. "Kilala niyo ba si Ian?"

 

"Ian? Yung kakatransfer lang sa school?" tanong ni Louisse.

"Oo." Ginulo ni Alexander yung buhok niya. "Diyan lang siya nakatira sa tapat ng bahay naten. Nakitira siya sa Lola niya."

 

"Ah, si Lola Mel." sabi naman ni Louisse.

"Bakit? Anong meron dun sa Ian?" tanong ko.

"Kasabay ko siya kahapon umuwi. Nakasalubong namin Lola niya." sabi ni Alexander. "Nabanggit niya kahapon na nakita niya na daw kayo umuwi. Pero, yung isa daw nating kasama hindi pa nauwi."

Tumaas ang kilay ni Louisse. "Tayong tatlo lang naman ang nandito ah?"

"Exactly, Louisse. Nakikita daw ni Lola Mel na may nauwi daw tuwing gabi na babaeng brown ang buhok. Nakikita daw niyang pumapasok sa loob ng bahay tuwing gabi." sabi Alexander. "Kung kailang tulog na tayong tatlo."

"Kulay brown ang buhok..." Napahawak sa bibig si Louisse. "Si Rhianne..."

"Kaya nag-set up ako ng CCTV diyan. Para makita natin kung totoo nga."

Rhianne... ikaw ba talaga 'yon? Bakit ayaw mo magpakita samen?

+++++++++++++++++++++++++

"Maxwell!" Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Ella pala. Yung pinartner saken sa play namin. Yung pinalit nila kay Rhianne.

"Bakit?" nakasimangot kong tanong.

"Hanggang gabi daw rehearsals natin mamaya!" nakangiti naman siya. Bakit ba naiirita ako sa babaeng 'to? Ang arte kasi eh. Nag-nod lang ako. Pero nasabay parin siya saken sa paglalakad. Papunta ako ng canteen kasi breaktime na namin.

"Bakit ba ang sungit mo saken?" tanong niya. "Pag nagpapractice tayo, naiwas ka. Galit ka ba saken?"

"Di ako galit sayo." naglakad ako nang mabilis pero nahabol niya parin ako.

"Galit ka eh. Is this about Rhianne?" Napatigil ako sa sinabi niya. "Palagi nalang si Rhianne ang pinoproblema nyo. Nakakainis. Matanda na siya, hayaan niyo siyang bumalik mag-isa. Naglayas lang naman yun eh. Ang OA nyo."

Ano bang pinagsasasabi nito? Nag-iisip ba siya? Hinarap ko siya.

"ELLA, PWEDE BA? Manahimik ka nga kung wala namang kwenta 'yang sasabihin mo."

Nagdabog naman siya at umalis.

"Di mo dapat siya sinigawan Maxwell.." Napatingin ako sa likod ko.

"Wag kang makisali, Shane. Wala kang alam."

"S-Sorry.." yumuko sya. Bakit ba hindi ko kayang magalit sa babaeng 'to? Nakokonsensya ako.

"Tara." Hinatak ko siya.

"Saan tayo pupunta?"

"Kain tayo."

=x=x=x ALEXANDER x=x=x=

"Louisse?" sabi ko pagkapasok ko sa loob ng bahay. Ako palang yata ang nakakauwi? 6:30 na. Bakit wala pa sila?

Teka.. bakit parang may naglalakad sa taas? Tumakbo ako paakyat sa taas. Nakabukas ang mga bintana sa mga kwarto namin. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto ni Rhianne. Pagkabukas ko ng pinto napaatras ako.

Puro dugo. Ang sangsang ng amoy. May mga patay na pusa sa kama ni Rhianne. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. May papel na nakadikit sa bintana.

Enjoy.

-Hanes

___________________________________________________

Hanes, pronounced as 'Heyns'. 

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now