Chapter 16 - Play

239K 7.3K 2.6K
                                    


This chapter is dedicated to you dahil palagi mong inaabangan ang update ko ♥

______________________________________________________________________

CHAPTER 16 - PLAY

=x=x=x ALEXANDER x=x=x=

"WHAT THE HELL?!"

"ANONG GINAGAWA MO DITO?" galit na tanong ni Louisse.

Bakit nga ba nandito 'yan?

"S-sinundan ko kayo..." nakayuko niyang sabi.

"Sino ba 'to?" tanong naman ni Detective Joan.

Huminga ako ng malalim. "Si Julia Lacson po. Kaibigan namin."

"Ha. Since when naman natin naging kaibigan 'yan?" galit na bulong ni Louisse.

Lumapit sa tabi ko si Maxwell at bumulong, "Oy. Ayusin mo 'yan. Baka may narinig 'yan sa pinag-uusapan natin. Ikaw may kasalanan nito. Mukhang stalker mo 'yan eh."

"Julia, may narinig ka ba sa usapan namin?" tanong ko. Napakamot naman bigla si Julia.

"N-narinig ko lahat..." nakayuko niyang sabi.

"NAKO NAMAN!" sigaw bigla ni Louisse. "PROBLEMA PA TULOY NAMIN IKAW!"

Tumaas naman bigla ang kilay ni Julia. Mukhang mag-aaway pa yata sila.

"Louisse, umakyat ka na sa taas. Magpahinga ka na." utos ni Maxwell.

"WHAT? BAKIT?!"

"Dali na Louisse. Iwas gulo." sabi ko. Halata sa mukha niya ang galit bago umakyat sa taas.

"Alexander, dahil may alam na ito sa mga nangyayari, kailangan niyo na rin siya isama sa mga pupuntahan niyo. Para ligtas siya." sabi ni Detective Joan.

Dumadami na kami. Sisisihin ko ang sarili ko pag may nangyaring masama kay Julia. Kasalanan ko kapag nasaktan siya. Ako ang dahilan kung bakit siya nandito.

"Ian, tara na. Pumunta na tayo ng ospital para sa lola mo. Alexander, dito niyo muna patulugin si Julia at Ian." utos ni Detective Joan.

Mukhang magkakagulo sa bahay na 'to pag nagsama si Louisse at Julia.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"Goodluck Maxwell." matamlay na sabi ni Louisse. 2 weeks nang ganyan katamlay. Simula nung doon na natulog sa bahay sina Julia at Ian.

"Goodluck, bro." sabi naman ni Ian. Tinapik naman ni Alexander yung balikat ko at nginitian ako.

"Nasaan nga pala si Julia?" tanong ko. Mas lalong naging gloomy ang mukha ni Louisse.

"Malamang kinukulit nanaman siya nung Jason." sabi ni Alexander. "Bye na Maxwell, pupunta na kami sa reserved seats namin. Goodluck!"

Umalis na sila habang ako ay naiwan dito sa backstage. Ang bilis ng panahon. Play na namin.

"Maxwell!" lumingon ako sa likod ko. Nakita kong papalapit sa akin si Ella. Nakawhite dress na siya. Handa para gumanap na leading lady ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Ready ka na? Kinakabahan ako. OMG." maarte niyang sabi. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang ako sa paligid.

"Uy, Maxwell." pangungulit niya.

"Ano?"

"Wag ka ngang masungit sakin. Please?" nagpacute pa siya sa akin. "Nagsorry na nga ako tungkol sa mga nasabi ko dati eh. Friends na tayo, please."

"Fine." sabi ko. Tumili naman siya ang tumalon. Niyakap pa nga ako. Nagtinginan tuloy yung mga staffs ng play namin.

"Si Allyson?" tanong ko. Si Allyson yung gaganap na witch na gagayuma sa character ko.

"Nag-aayos na din. Malapit na matapos yun." sabi ni Ella habang nagseselfie sa tabi ko.

"5 minutes nalang! Get ready!" sigaw ng Prof. namin.

Maayos naming nasimulan ang play. Bawat scene ay perfect. Maraming nagpalakpakan sa scene namin ni Ella kung saan magsasayaw kami sa plaza.

Last scene na kami kaagad kung saan magpapakamatay na ang character ni Ella. Ang scene ay magbibigti siya sa puno. Isasara na ang curtains kapag nasuot na ni Ella ang lubid sa leeg niya.

Nanonood ako mula sa backstage habang naarte si Ella. Umakyat na siya sa hagdan. Hinawakan niya ang lubid.

Madaming nagsigawan nang biglang namatay ang mga ilaw. Nawala naman agad ang sigawan pero may isang natitirang ingay.

Ingay ng parang isang naghihingalo. Parang nasasakal. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

Bumukas na ang mga ilaw. Isang malakas na sigawan ang nagmula sa audience.

Sa stage, isang bangkay na ang nakasabit sa lubid. Tumutulo sa puti niyang dress ang dugo mula sa leeg niya.

Impossibleng acting 'to dahil wala 'to sa prinactice namin.

Hindi ang character ni Ella ang namatay.

Kundi siya mismo.

_________________________________________________________________________

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon