Chapter 6 - The Helping Friend

306K 8.3K 3.8K
                                    

A/N

Hello guys! I'm encouraging you all to make a fan art of either Special Section 1, Special Section 2, Wonderwall and After Darkness. :) And, yung mga gusto pong gumawa ng book cover, pakimessage lang po sakin yung mga gawa niyo :) Love you guys xoxo.

-OnneeChan

_________________________________________________________

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"Maxwell...."

Naramdaman kong may humahaplos ng mukha ko.

"Akin ka lang Maxwell.. akin ka lang..."

Teka. Sino yung humahaplos sa mukha ko? Dinilat ko ang mga mata ko.

Walang tao.

"May tao ba diyan?" sigaw ko. "Alexander? Louisse?"

Weird. Ramdam ko kanina. May humahaplos ng mukha ko. 

O baka naman nananaginip lang ako?

Tumayo ako at bumaba. Iinom na nga muna ako ng tubig. Pagbaba ko, nakapatay na ang mga ilaw pero nakabukas ang bintana. Ang lakas ng hangin. Umuulan pala?

Bakit bukas ang bintana? Eh hindi naman namin binubuksan mga bintana namin?

Lumapit ako sa bintana at isinara 'yon. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Parang may kasama ako dito.

Binuksan ko ang ilaw sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. Habang nainom ako, muntik ko nang mabitawan ang baso. May dumaan sa sala.

"SINO 'YAN?" sigaw ko. Nagmadali ako pumunta sa sala at binuksan ang mga ilaw. Bukas nanaman ang bintana. Pagtingin ko sa labas, may naaninag ako natakbong babae.

Lagpas balikat ang buhok niya at may pagka-brown. Ayokong umasa pero.. parang si Rhianne yung nakita ko.

"Maxwell?" napalingon ako sa likod ko.

"A-Alexander.." 

"Bakit gising ka pa? Anong tinitignan mo diyan?"

"A-Ah.. W-Wala. Di lang ako makatulog."

Lumapit sa akin si Alexander at hinawakan ang dalawa kong balikat. Tinitigan niya ako sa mga mata.

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon