Hi!
Someone asked me, "Sino po inspiration niyo sa pagsusulat?"
Speechless. Wala akong masagot. Bakit? :(
BTW, Updaaaaate :D
-Onneechan
____________________________________________________________________________
CHAPTER 25
=x=x=x ALEXANDER x=x=x=
"8:00pm na Alexander, hanapin natin si Maxwell.." nag-aalalang sabi ni Louisse.
"Anong susunod sa map?" tanong ko.
"Seriously Alexander? Itutuloy pa naten? Gabi na." sabi ni Julia.
"Sa playground yung susunod sa map... sa playground malapit dito.." sabi ni Louisse.
"Baka nandoon si Maxwell.. tara na." sabi ko. Sumakay kami sa kotse at pumunta sa playground. Tahimik na ang paligid. Iba talaga ang tahimik kapag nasa probinsya ka. Magkakalayo ang mga street lights. Dagdag sa kadiliman ang matataas na damo at mayayabong na mga puno sa paligid. Tanging ang ingay lang ng mga kuliglig ang naririnig.
"Iyon na yata yung playground." turo ni Ian.
Tumigil kami sa harap ng playground. Malawak dito. May limang swing, tatlong slide at puro seesaw. Puro bulaklak ang nakapalibot sa playground. Maganda ngunit mukhang luma na ang playground na ito.
Pagkababa palang namin sa kotse ay may nakita na kaming nakaupo sa swing. Lalaki. Nakatalikod siya sa amin.
"Maxwell?" tanong ni Louisse. Umiiyak yung lalaki. Nakapula siya. Gaya ng suot ni Maxwell kanina. Lumapit ako at umupo sa swing na katabi niya. Sina Louisse ay umupo rin sa ibang swings. Walang nagsasalita. Tanging mga hikbi lang ni Maxwell ang naririnig namin.
"..gusto ko nang sumuko.." mahina niyang sabi. Napalingon ako sa kanya.
"Mahal mo ba si Rhianne?" tanong ko.
"Sobra." sagot niya.
"Kung ganon, bakit ka susuko?"
Tumahimik muli ang paligid. Tumigil na sa pag-iyak si Maxwell.
"Alexander.." tawag sa akin ni Ian. "Nakikita mo ba yung puno na iyon?"
Napatingin kaming lahat sa malapit na puno sa amin.
"Bakit? Anong meron?" tanong ko.
"May nakaukit yata sa puno.." sabi niya.
Tumayo ako at lumapit sa puno. Sumunod naman sila sa akin.
'R + S = Friends Forever'
"Alexander..." sabi ni Louisse. "Sa tingin ko ay kailangan na nating bumalik sa orphanage."
Binuklat ni Louisse yung notebook at tinignan ang mapa.
"Sa orphanage ang susunod na pupuntahan Alexander. Pinapabalik tayo doon." dugtong ni Louisse. "Alam kong alam mo na may kinalaman si Shane dito."
"Bukas na tayo bumalik sa orphanage. Magpahinga na muna tayo." sabi ko at tumingin kay Maxwell. "Sa tingin ko ay kailangan nating magpahinga sa kabila ng mga nangyari ngayon."
Umuwi na kami mula Cavite. Pagpasok namin sa bahay ay nakabukas lahat ng ilaw.
"Shhh... wag kayong maingay..." bulong ko. Nanahimik naman sina Louisse, Julia, Ian at Maxwell.
"Bakit nakabukas ang mga ilaw?" bulong ni Julia.
"Shhh.." dahan-dahan akong umakyat sa taas. "Ian, tignan mo kung may tao sa kusina at sa banyo. Louisse at Julia.. maiwan kayo dito. Maxwell, samahan moko.. akyat tayo sa taas."
Tahimik kaming umakyat sa taas. Nakabukas lahat ng pinto at parang may pumasok nga. Bukas ang mga drawer. Tinignan namin kung may nanakaw ba ngunit wala naman. Paano napasok ang bahay namin? Nakalock ito kanina.
Pumasok ako sa kwarto ko. Ito ang pinakamagulo. Parang may naghalukay sa mga gamit ko.
Bumaba na kami ni Maxwell at naabutang nakaupo sina Ian sa sofa.
"Nanakawan ba tayo?" tanong ni Louisse.
"Hindi." matipid na sagot ni Maxwell. Binuksan ni Ian ang TV. Saktong binabalita sa BV Patrol ang nangyari kanina sa cavite.
'Isang Detective ang natagpuang patay sa bangin sa Cavite kasama ang duguang damit na napag-alamang pag-aari ng nawawalang si Rhianne Cortes..'
Pinakita sa balita ang tatay ni Rhianne. Naiyak.
"Hindi nga siya nag-eeffort na hanapin si Rhianne eh.." sabi ni Julia.
--------
"Alexander!" tawag sa akin ng kaklase ko. Naglalakad ako ngayon sa hallway. Mamayang uwian ay didiretso na kami sa orphanage. Hindi pumasok si Shane. Posible kayang may kinalaman siya sa pagkawala ni Rhianne?
"Bakit?" tanong ko. Sa pagkakatanda ko, Rene ang pangalan ng kaklase kong ito.
"Nabalitaan ko yung tungkol kay Rhianne, pare. Sorry." sabi niya. Sinabayan niya ako sa paglalakad.
"Hindi pa naman sigurado na patay na siya. Wag kang magsorry," sabi ko.
"Pinapatawag ka nga pala ni Jason sa library." Napasimangot ako. Anong kailangan sa akin ni Jason?
"Sigurado ka?" tanong ko kay Rene.
"Oo, kakasabi lang niya sa akin kanina." sabi niya. "Sige, pare, paalam na. Nagugutom nako eh. Ililibre ko pa yung kaibigan ko."
Dumireto nako sa library. Hinanap ko si Jason at nakita ko siyang nakaupo sa pinakadulo ng library. Anong kailangan saken nito?
"Sabihin mo na agad kung anong kailangan mo." sabi ko pagkaupo na pagkaupo ko sa tabi niya.
"Layuan mo si Julia," sabi niya.
"Hindi pwede," sabi ko. Delikadong maiwang mag-isa si Julia. Marami siyang alam at baka patayin din siya.
Tumayo siya bigla at lumabas na ng library. Ano bang problema ng Jason na 'yon?
Nag-beep ang phone ko at nakitang may nagtext.
From: 09112233445
Abangan mo lang ako. Babalikan kita.
Sino 'to?
__________________________________________________
BINABASA MO ANG
Special Section 2 (Published under Pop Fiction)
Mystery / ThrillerSpecial Section book 2. Hindi mo siya mahahanap. Hindi mo siya matatakbuhan. Available in Bookstores, Convenience Stores, newsstands and online nationwide for only P175! :)