Emote Lang

2.9K 136 57
                                    

First time kong magsulat ng Mystery/Thriller ang genre. Akala ko nga, hindi ko na maitutuloy sulatin ito kasi after first and second chapters, matagal bago ko nasundan dahil nakalimutan ko na kung ano ang isusulat ko. Mabuti na lang na pagkatapos kong maisulat ang chapter 3, bumalik na sa utak ko kung paano tatakbo ang kuwento.

Masaya ako na nagustuhan ng maraming readers ang kuwentong ito. In fact, maraming readers ang nadagdag sa akin at nag-follow na rin dahil dito. Kaya sobrang thankful ako sa suportang ibinibigay ninyo sa story ko. Maraming salamat po sa inyong lahat.

Kaya ngayon, mas na-inspire pa akong gawin ang kuwentong ito at promise ko po na matatapos ko ito bago matapos ang August 2017. Kaya, huwag po kayong mainip sa update dahil darating din po tayo doon.

At dahil super excited na rin ako sa kuwentong ito, gusto ko itong maging totoong libro at magkaroon ako ng personal copy. Kaya plano kong iself-publish ito kapag natapos ko nang isulat dito sa Wattpad.

Kung may readers na bibili ng self-published book ng Ang Halimaw sa Baryo San Joaquin, mas masaya. Kung wala naman, masaya pa rin. Basta, ipa-publish ko pa rin para may book copy ako.

'Yun lang po, salamat talaga sa suporta ninyo sa story ko.

Happy reading!!!

Update!!!

Hindi ko na po ise-self publish ito dahil na-approve na po ng VRJ Books Publishing ang istoryang ito at ire-release na sa lahat ng National Bookstore branches nationwide ngayong 2019.

Babalitaan ko po kayo kapag alam ko na ang exact date.

Maraming salamat!

ARANNIK: Hilakbot sa Pusod ng Gubat (Published By Viva Books) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu