ARANNIK TRIVIA

1.5K 47 11
                                    

ARANNIK TRIVIA

1. Biglaan lang nang maisip ko ang plot ng kuwento habang ka-chat ko ang isang makulit na Wattpad reader/writer na marunong ding gumawa ng book cover.

2. Muntik ko nang hindi matapos isulat ang nobelang ito dahil pagkatapos kong i-post sa Wattpad ang Chapters 1 and 2, tatlong buwan akong hindi nag-update at nakalimutan ko na kung ano ang magiging takbo ng kuwento.

3. Nang mag-update na ako after 3 months, sunod-sunod na ang update ko at natapos ko kaagad ang kuwento. Mabilis na 'yon kung ikukumpara sa mga ongoing stories ko na tinubuan na ng lumot sa tagal ng pagiging ongoing.

4. Three months after kong matapos ang kuwento, ipinasa ko ito for evaluation at makalipas lang ang dalawang linggo ay na-approve ito ng VRJ Books (Viva Books Publishing) para i-publish.

5. Isang araw after ng birthday ko, pumirma ako ng kontrata sa VRJ Books at natanggap ko ang tseke bilang downpayment sa book ko.

6. Kinailangan kong palitan ang title ng book ko dahil may naunang lumabas sa bookstore na halos kapareho ng title ng book ko.

7. Nahirapan akong mag-isip ng bagong title at umabot ng mahigit 15 titles ang naipasa ko sa editor bago nagkaroon ng panibagong title ang book ko.

8. Walang inalis na scenes mula sa ipinasa kong original manuscript. Ang totoo, nadagdagan pa ng mga bagong eksena dahil pinalawig namin ang back stories ng ibang characters.

9. Noong 1960, naimbento ang salitang cyborg mula sa mga salitang Cybernetic Organism. Sa libro ko, may isang bagong salita akong ipinakilala bilang katawagan sa dalawang karakter na may mahalagang papel sa kuwento.

10. May isang tauhan sa kuwento na ang pangalan ay galing sa isang reader na nabuwisit sa akin dahil ongoing pa lang ang story. Nagalit ang loko at nag-comment na hindi daw ako dapat mag-post ng story na hindi pa tapos. Dahil doon, isang mabilisang update ang sinulat ko at ginawa ko siyang instant character sa kuwento. Binigyan ko siya ng isang napakagandang highlight scene kung paano ginutay-gutay ng halimaw ang kanyang katawan.

BILI NA KAYO NG LIBRO. AVAILABLE IN LEADING BOOKSTORES NATIONWIDE!

 AVAILABLE IN LEADING BOOKSTORES NATIONWIDE!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
ARANNIK: Hilakbot sa Pusod ng Gubat (Published By Viva Books) Where stories live. Discover now