CHAPTER 1

2.7K 67 4
                                    

ASHLEY'S POV

"Best?" tawag ko sa bestfriend kong si Melissa.

Kanina ko pa kasi siyang hinihintay.

Susunduin pa kasi namin si Emily, our bestfriend.

Pupunta kasi kami sa library para magbasa doon. Yun kasi ang libangan namin tatlo minsan.

"Sandali lang best."

"Bilisan mo na best baka saan naman pumunta si Emily."
Si Emily kasi mahilig umalis ng walang paalam. Pero kahit ganun, siya pa rin ang pinakamamahal naming bestfriend.

"Ashley?" tawag sakin ng isang pamilyar na boses.

Kaya napalingon ako sa biglang sumulpot sa likod ko.

Si Michael pala. Isa sa mga boy bestfriend ko.

"Oh? Di ka nagtry-out para sa basketball?" tanong ko sa kaniya.

May try-out kasi sa gym ngayon para sa mga gustong sumali sa basketball.

"Ah.. Hindi eh." panghinayang niya.

"Huh? Bakit? Sayang naman."

"Basta. Ayaw ko."

"Aminin mo, di mo kaya. Haha." pang-aasar ko sa kaniya.

"Kaya ko noh. Huwag mo kong maliitin. Baka gusto mo 1 on 1 tayo."

"Ok fine. Ikaw na magaling. Sige bah?"

"Hep. Hep. Hep." biglang sulpot ni Aaron, isa rin sa mga boy bestfriend ko.

"ANO BA?!" sabay suway namin kay Aaron.

"Chill lang kayo. Haha." habang nakataas ang dalawang kamay. Loko talaga 'to.

"BTW. Sasali ka ba sa basketball Aaron?"

"Hindi. Bakit?"

"Tinatanong ko lang. Bakit?" pang-iinis ko sa kanya.

"Tapos na best!" biglang sigaw ni Mel.

Kaya nagpaalam na kami sa kanila at bumaba na kami papunta sa classroom ni Emily sa 3rd floor. Nasa 4th floor kasi ang classroom namin ni Melissa pero di kami magkaklase.

"Best?!" sabay tawag namin ni Mel kay Emily pagdating namin sa classroom niya.

"Oh? Nandito na pala kayo." gulat na sabi ni Emily.

"Wala kami dito best. Picture lang 'to. Picture." pang-aasar ni Mel kay Emily.

"Baliw. Tara alis na tayo." sabay hila ni Emily samin.

Habang papunta kami sa may library ay napadaan kami sa may gym.

Marami palang gustong manood ngayon. Tsk. Marami kasing gwapong nagtry-out. Mga babae panay cheer, di pa naman nagsisimula.

"Best, manood na lang kaya muna tayo ng basketball." pakiusap ni Emily habang nakatingin sakin.

"NO." mabilis kong sagot.

"Sige na best." pangsang-ayon ni Mel kay Emily.

"Ayaw ko."

"Please best kahit ngayon lang." pagmakaawa ni Emily habang nakapuppy eyes pa. Ews. Haha.

"Tumigil na nga kayong dalawa. Kahit mahilig ako sa basketball. Ayaw ko manood ngayon." inis kong sabi sa kanila.

Titignan ko pa kasi dun sa library if may book sila ng Sherlock Holmes.

"Puro ka lang pagbabasa ng libro best." Melissa said.

"Eh? Anong gusto niyong gawin ko?" inis kong tanong sa kanila.

PAST OR PRESENT?Where stories live. Discover now