CHAPTER 3 (Unexpected)

1K 42 0
                                    

ASHLEY'S POV

"Good Morning Class, dahil sa darating na Anniversary ng school natin magkakaroon tayo ng mass dance."

"Yes!"sabay sigaw ng ibang mga classmates ko habang yung iba nagbubulungan.

"Class be quiet." lahat naman sila ay biglang tumahimik. "Ms. Vasquez, ikaw na ang bahalang maglista ng mga gustong sumali sa mass dance."

"Hmm.. Yes po Sir."

Ayy.. Naku! Ako pa nakita ni Sir. Nakakapagod kaya maglista ng mga gustong sumali sa mass dance. Pupunta pa ako sa ibang section para lang tanungin kung sino gustong sumali. Psstt..

"BTW, Dahil na klase ko na kahapon ang Freedom of the Human Person. Magkakaroon tayo na Minor PT. Kukuha kayo ng mga lalarawan na pwede ihambing sa freedom at ipaliwanag."

"Wait Sir. Pwede kami na lang pumili ng ipartner namin."sabi ng isa sa mga kaklase ko.

"No, Ako yung pipili ng mga partner niyo para hindi unfair sa iba."

"Ok po Sir."

Ayan na nga pinipili na ni Sir ang mga magpartner. Ang ingay-ingay nga eh.

"Mr. Ramirez at Ms. Vasquez."

Agad naman akong napatingin kay Michael at ganun din siya.

"Class pumunta na kayo sa mga partner niyo para makapagsimula na kayo."

Agad namang pumunta ang mga kaklase ko sa mga partner nila.

Nagulat na lang ako ng biglang umupo si Michael sa tabi ko.

"Ano na Ash?"

"Ako pa yung tatanungin mo?"pataray kong sabi.

"Yes, magpartner tayo eh. Gusto mo couple? Ahahah."

"Couple mo mukha mo."inirapan ko na lang siya.

"Sungit naman. Ahahah. Biro lang."

Maya't maya nagsimula na kami, seryoso rin naman kaming gumawa ng PT namin.

Magaling rin naman si Michael kaya di na ako masyadong nahihirapan.

*

RECESS TIME

"Labas na tayo Ash."iritadong sabi ni Aaron.

"Sandali lang, aayusin ko lang yung gamit ko."

Nang matapos ko ayusin ang mga gamit ko ay lumabas na agad ako sa classroom namin. Ang kulit kasi ni Aaron, nagmamadali siyang pumunta sa canteen dahil naghihintay na daw sina Emily sa amin. Minsan nagdududa ako dito kay Aaron eh. Parang may tinatago siyang lihim na pagtingin kay Emily. Ahahah.

Tahimik lang kaming naglalakad papuntang canteen hanggang sa makarating na kami.

"Musta Best?"agad na tanong ni Melissa sakin.

"Ok lang."sabi ko sabay upo.

"Oh? Andrew?"gulat na sabi ni Aaron.

Agad naman akong napatingin sa kanila.

"Naku naman Aaron. Bestfriend rin naman natin si Andrew."Emily said.

"Sorry lang ah. Akala ko kasi di na siya sasama satin."

"Alam mo namang dahil sa nangyari sa kanila ni--"

Nakita kong tinignan ni Mel si Emily ng masama kaya di niya napatuloy ang sasabihin niya.

"Mel, sasali ka di ba sa mass dance?"

"Oo naman. Ako pa. Ahahah."agad na sagot ni Mel sa tanong ko.

PAST OR PRESENT?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang