CHAPTER 9 (Flashback P2)

483 20 1
                                    

ASHLEY'S POV

"Michael?"gulat kong sabi sabay abot ng panyo.

Agad niya naman ako inalayang tumayo.

"Anong nangyari Ash?"nag-alalang tanong ni Mic habang umiiyak parin ako.

Kahit nagtataka ako kung bakit nandito siya. Hindi ko na lang tinanong dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Iniwan niya na ko Mic. Hindi niya na ako mahal."hagulgol ko.

Isang mahigpit na yakap lang ang natanggap ko.

"Please tumigil ka na sa kakaiyak Ash. Hindi ko kaya na makita kang ganito."

"Ang sakit Mic."naiiyak kong sabi.

"Wala siyang karapatan na paiyakin ka Ash. Humanda siya sakin pagnakita ko siya."

"Please huwag mo siyang saktan."pagmamakaawa ko dahil alam kong may gagawin siyang hindi tama.

Bigla niya inalis ang pagyakap niya sakin at hinawakan niya ko sa magkabilang braso.

"Letche naman hoh. Ikaw na nga yung sinaktan niya Ash. Please kahit minsan iwasan mo maging mabait kapag kailangan."mahinahon niyang sabi.

Nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang pag-alala.

Hindi lang ako nagsalita pa. Ako na lang ang yumakap sa kaniya.

Nagpapasalamat ako dahil nandiyan siya palagi para damayan ako, ipagtanggol, pakalmahin, pasayahin, lahat na lang.

"Thanks Mic. Please huwag mo din akong iwan."

"Bakit naman kita iiwan Ash?"

"Please mangako ka na huwag mo kong iiwan. Please."hagulgol ko.

"Hindi ko mapapangako yan Ash. Pero ito lang ang masasabi ko, sisiguraduhin kong hindi kita iiwan hangga't hindi mo ako pinapaalis sa buhay mo."

Natahimik na lang ako sa sinabi niya. At biglang na lang sumakit ang ulo ko.

*

Bigla na lang ako nagulat pagkagising ko nasa kwarto na ako.Panaginip ba lahat ng 'yun?

Sana oo.

Nagligo na lang ako para mahimasmasan ako at agad nagbihis.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay umupo na lang ako sa kama.

Maya't maya bigla na lang bumukas ang pinto at nakita ko si Michael na may dalang almusal.

"Good Morning Ash, mabuti gising kana."nakangiti niyang sabi pero bakas parin sa mata niya ang pag-alala at pagod.

"Bakit ang aga mo naman pumunta sa bahay?"nagtataka kong tanong.

"Eh kasi naman nawalan ka nang malay kagabi kaya hinatid kita dito at binantayan buong gabi."walang emosyon na sabi niya.

Totoo nga ang nangyari kagabi. Hindi ko lang matanggap na wala na talaga kami.

"Ok lang naman ako. Sana umuwi kana lang."

"Hindi ka ok Ash. Kaya kumain ka na."seryoso niyang sabi.

Hindi na lang ako nagsalita pa at kumain na lang.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam sakin si Michael na uuwi muna siya dahil tinawagan siya nang Dad niya. Siguro tungkol sa business yun.

Mag-isa lang ako dito sa kwarto kasi ayaw kong lumabas. Wala ako sa mood ngayon. Hindi ko maalis sa isip ko si Andrew. Ganito talaga pagmahal mo ang isang tao noh. Kahit sinaktan ka na niya. Mahal mo parin siya.

PAST OR PRESENT?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang