CHAPTER 12 (SCHOOL ANNIVERSARY)

551 20 0
                                    

ASHLEY'S POV

Pagkatapos kong ayusin lahat ng kailangan ko ay bumaba na ako at pumunta sa kusina para magpaalam kay Manang.

"Good Morning Manang."

"Good Morning Hija. Gutom ka na ba? Umupo ka dito. Ipaghahanda kita ng pagkain."

"Huwag na po Manang. Aalis na po ako. Sa school na lang po ako kakain."

"Sigurado ka ba Hija? Ibabaon na lang kita ng pagkain."

"Salamat na lang po Manang. Alis na po ako."

"Sige Hija, mag-ingat ka."

Nagpahatid naman ako kay Manong sa school.

Pagdating ko dun, agad ako nakita ni Max. Isa sa mga kaklase ko.

"Girl, tulungan mo naman ako dito sa utos ni Ma'am sakin."malambot na sabi ni Max.

"Ikaw talagang bakla ka. Ahahah. Sige na nga."

"Salamat Girl."

"Ano ba ang gagawin?"

"Gagawa tayo ng juice para sa mga basketball players."

"Yun lang?"

"Oo."

"Yan lang pala eh. Akala ko maraming gagawin."

"Sayang kaya ang beauty ko ngayon dahil dito."

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

*
"Best?"

Napalingon ako sa may pintuan at nakita ko sina Melissa at Emily.

Nakalimutan ko tuloy magtext sa kanila. Huhuh.

"Oh, sorry tumulong kasi ako dito. Napagod ba kayo sa paghanap sakin?"

"Oo best, pagod na pagod."birong sabi ni Emily.

"Ikaw talaga Emily. Di naman best. Sinabi rin naman sa amin ni Andrew na nandito ka."Melissa explained.

"Auhh ok."tipid na sabi ko.

Di lang kasi ako makapaniwala.

Nagpaalam na ako kay Max na aalis na kami pagkatapos kong tulungan siya.

"Saan ba tayo pupunta ngayon ahh?"tanong ko sa kanilang dalawa.

"Sa may gym."agad na sagot ni Emily.

"May laro kasi ngayon ng basketball ang Gr. 11 VS. Gr. 12."Melissa said.

"Auhh ok."

Alam kong may laro ngayon sina Andrew sa may gym.

Pagpasok namin dun ay nagsisimula na ang laro. Agad ko naman nakita si Andrew na tumatabok. Kaya nagkasalubong ang dalawa naming mata at umiwas siya ng tingin at inagaw ang bola sa kalaban at SHOOOOOOTTTT... dOoOb

"Wooooohhhh!!"sigaw ng lahat.

"Ayieee.. Nakatingin sayo si Andrew best hoh."pang-aasar ni Emily sakin habang tinutulak ako.

"Tumahimik ka nga Emily."irita kong sabi.

Ilang minuto lang kaming nakapanood dahil pagdating namin nagsisimula na ang laban at ang nanalo ay GR. 12. Congrats sa amin. Last year na kasi namin dito. Simula noon walang kupas ang hakot award ng batch namin.

Agad naman kaming lumabas sa gym para bumili ng pagkain.

Bigla na lang namin nakasalubong si Andrew na nagpupunas ng pawis niya at nakatingin siya sakin kaya umiwas ako ng tingin.

PAST OR PRESENT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon