CHAPTER 13 (PAIN)

591 22 5
                                    

ASHLEY'S POV

Maaga akong gumising kasi di naman ako nakatulog ng maayos kagabi.

Kaya pakiramdam ko parang zombie ako ngayon.💀

Dahil sa anniversary ng school namin, 3 days kaming walang pasok ngayon. It means sa Monday na lang ulit kami papasok.

Napabangon ako sa kama at dumiretso agad sa CR para magligo.

Nang makapasok na ko ay agad akong humarap sa salamin.

Naalala ko naman yung nangyari kahapon.

Ang sakit parin kasi, di maalis sa utak ko ang nangyari.

"Ba't ba siya parin ah?!"iritang sabi ko sabay turo sa puso ko.

Tsk. Tanga ko talaga. Napahilamos agad ako sa mukha ko.

Pero di nagtagal ay nagsimula na ko sa morning rituals ko at pagkatapos bumaba na ko para makapag-almusal na.

Nang makarating na ko sa lamesa ay umupo agad ako sa upuan at sakto paglabas naman ni Manang sa kusina na may dalang ulam.

"Ang aga mo naman gumising hija? Di ba wala kang pasok?"

"Di lang po maganda ang tulog ko ngayon Manang. Siguro magjojogging na lang po ako ngayon para mapawisan din naman ako."sabay kuha ko ng tinapay at hotdog.

At nagsimula na kong kumain kaya agad akong sinamahan ni Manang mag-almusal.

Di na ko magtataka kung nasan sila Mom at Dad.😒

Pagkatapos ko kumain ay agad din naman ako lumabas ng bahay.

Habang tumatabok ako ay naisipan kong pumunta sa may park dito sa may village.

Nang makarating na ko ay umupo ako sa may swing.

Hayy.. Ang sariwa ng hangin dito. Maganda sa pakiramdam.

Nagulat na lang ako na may biglang tumakip ng mata ko.

"Sino 'to?"kabado kong tanong.

"Hulaan mo?"Wait! Pamilyar 'tong boses eh.

"Michael?!"

"Tama, dahil diyan may libre kang ice cream sakin."natatawang sabi niya at pumunta kay manong na nagtitinda ng ice cream.

Pinagmasdan ko lang siya na papunta doon.

Kahit kailan di parin siya nagbago. Siya parin ang Michael na kakabata ko noon.

Nagtataka ba kayo kung ba't siya nandito? Same village kasi kami ng mokong na 'to at dito kami palagi naglalaro sa park nung bata pa kami.

"Ito na yung ice cream mo."natatawang sabi niya sabay abot ng ice cream.

"Salamat."nakangiti kong sabi sabay kuha ng ice cream.

"Yan ganyan ka dapat palagi, nakangiti ka lang. Ang panget mo kaya kapag malungkot o nakasimangot ka. Ahahah."

"Ok na sana eh. May panlait pang kasama."

"Sus, binibiro lang kita."

Umupo na lang siya sa kabilang swing na katabi ko.

"Naalala mo ba nung mga bata pa tayo? Ang saya-saya natin nun habang naglalaro tayo dito sa park. Yung nawawala lahat ng sakit na nararamdaman natin sa tuwing magkalaro tayo. Palagi nga kita nililibre ng ice cream eh. Iyakin ka kasi."

Sa tuwing nagpapakasaya kami sa park nun. Nakakalimutan namin ang pagkukulang ng mga parents namin. Pareho lang kasi kami ng pinagdadaanan ni Mic.

"Ang sama mo.. Ahahah.. Iyakin talaga? Syempre hindi ko makakalimutan yun. Naalala ko pa nga na ilang beses akong umiyak noon kapag di ako pinapayagan nina Mom at Dad pumunta sa park."

PAST OR PRESENT?Where stories live. Discover now