CHAPTER 15 (Ang gulo)

484 19 0
                                    

ASHLEY'S POV

"Oh? Ash? Nandito ka pala?"

Michael?

Bakit siya nandito?

Malamang café 'to Ash.

Hayyy.. Galit siya sakin di ba?

"Hindi Mic, picture lang 'to."pamimilosopo ko.

Tama yan Ash. Galit siya di ba?

"Namimilosopo ka ba Ash? At sa harap pa ng manliligaw mo ah?"sabay turo niya kay Ethan.

Kaya sabay naman kaming natawa.

"May nakakatawa ba?"iritang sabi ni Mic.

"Mic, cousin ko yan. Anong pinagsasabi mo."natatawang sabi ko.

Nagseselos ba siya?

Ayy! Ano ba yan? Bakit ganun agad naisip ko? Baka nagulat lang siya di ba?

"Huh?"

"Mic, ako 'to si Ethan."

"What? Ethan? Ikaw ba talaga yan?"halata sa mukha ni Mic na hindi siya makapaniwala.

"Yes, ako nga. Long time no see bro."

"Kailan ka lang dumating?"

"Kanina lang kaya nakipagkita ako kay Ash."

"Ehem.. Maupo ka muna siguro Mic."panira ko sa usapan nila.

Kaya ayun panay kwento si Ethan sa amin.

"Oh? Pa'no na ba yan? Gabi na, uwi na tayo siguro. Magtataxi lang ako eh."pagputol ko sa mahabang usapan namin.

"Sorry Ash ah. Di ko dala yung kotse ko eh. Bibili na lang ako ng bago bukas. Ahahah."Ethan said.

"Sus. Tara na. Hatid ko na kayo. Dala ko naman ang kotse ko."

"Sigurado ka ba Mic?"nahihiyang tanong ko.

"Hindi Ash. Nagbibiro lang."pamilosopo niya sakin.

Akala ko ba di kami ok kasi galit siya di ba?

"Mic naman eh!"yun lang ang nasabi ko at lumabas na kami ng café.

Sumakay na kami sa kotse niya at sa back seat ako umupo habang si Ethan dun sa front seat katabi niya.

Ako ang unang ihahatid ni Mic.

Ito kasi si Ethan namimilit na unahin ako para makapag-usap sila.

Alam niya naman na same village lang kami ni Mic. Baliw talaga.

Edi sila na ang close.

Nang makarating na 'ko sa bahay ay nagpaalam agad ako sa kanila saka bumaba.

Ano kayang pag-uusapan nila?

Bakit kailangan pang wala ako?

Hayyy.. Pasok na nga ako sa loob.

Umakyat agad ako sa taas at nagbihis.

Humiga agad ako sa kama.

Bakit parang naguguluhan ako sa mga nangyari?

Bakit parang galit siya sakin matapos namin magmall?

Tapos kanina lang parang nagseselos siya.

Iwan.

Pakiramdam ko lang siguro.

Waahhhh!! Iba ka na mag-isip Ash!

Bumangon ako at lumapit sa bintana.

PAST OR PRESENT?Where stories live. Discover now