CHAPTER 20 (Siya pala)

437 17 0
                                    

ANDREW'S POV

Papasok na sana ako sa loob ng gym ng may marinig akong pamilyar na boses.
"Saan ka ba pupunta?" Kaya napalingon ako.

Bakit magkasama sila?

Nagulat ako nung mapatingin sakin si Ash kaya pinigilan ko ang sarili ko na magkaroon ng ekspresyon.

"Tara na nga Ash. Lutang ka talaga minsan."natatawang sabi ni Liam nung hinila niya si Ash.

Napangiti na lang ako ng kunti.

Pano ba naman, nakita kasi ako ng mukong na yun.

At alam kong alam niya na nakita ako ni Ash.

Pero ba't magkasama silang dalawa?

Di naman sa nagseselos ako noh.

Curious lang talaga ako.

Kasi di ba galit si Ash kay Liam at iniiwas niya ito? Kaya pano.. nagkaayos na ba sila?

Teka lang, paki ko naman di ba?

Makapasok na nga, kanina pa 'ko nandito.

ASHLEY'S POV

"Mic?"

Bigla niya na lang ako niyakap.

"Mic, ang sakit. Bakit ginawa sakin ni Abby yun? Hanggang ngayon di ko parin maintindihan. Bestfriend ko siya di ba? At sana sinabi agad ni Liam sakin lahat nung una pa lang. Girlfriend niya ko ng mga oras na yun di ba? Dapat dadamayan ko siya sa problema niya. At alam mo, ang tanga ko kasi di rin ako nakinig agad. Ang hirap Mic. Ang hirap ng magtiwala ulit."

Hinarap niya ako sa kanya at pinunasan agad ang mga luha ko.

Tinignan niya ko sa mga mata sabay sabing,

"Alam kong nasaktan ka Ash pero huwag mong hayaan yung sarili mong lamunin ng galit.." at hinalikan niya ko sa noo at niyakap ulit.

Iyak lang ako ng iyak habang nilalabas ko ang sama ng loob ko.

*

MICHAEL'S POV

Masakit para sakin na makita siyang nasasaktan habang umiiyak.

Kaya nga ayaw kong kausapin niya yung duwag na yun.

Masama na ko sa masama pero ayaw ko lang masaktan si Ash ng paulit-ulit.

Isa lang ang palaging pumapasok sa isip ko eh, 'Kung ayaw mo mawala, bakit pinakawalan mo? At iniwan mo na nga, ba't ka pa babalik kung kailan ok na?"

Kung di lang sana siya duwag, sana masaya si Ash hanggang ngayon sa piling niya.

Hinayaan ko na nga na mapasakanya si Ash, sinayang niya pa.

Minsan napapaisip ako, pano kung pigilan ko ang mga bagay na makakasakit kay Ash? Kaso nag-aalala parin ako, pano kung ang mga bagay na nakakasakit sa kanya ay yun pa ang nagpapasaya sa kanya?

Medyo magulo. Haysss..

Hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya.

Mga ilang minuto na siguro kami nakatayo dito habang yakap ko siya.

Hinayaan ko lang siyang umiyak para mabawasan yung bigat na nararamdaman niya.

Nagtataka siguro kayo kung ba't nandito ako noh?

Sus, ano pa ba? Syempre sinundan ko sila.

Umupo talaga ako nun malapit sa table nila kaya narinig ko lahat.

Di nga nila ako napansin kanina.

Ang galing ko talaga.

Pero nasasaktan parin ako para kay Ash.

Ganito talaga noh? Kapag nakita mong nasasaktan yung taong mahal mo, nasasaktan ka din para sa kanya.

Naramdaman ko na lang ang unting pagluwag ng yakap niya sakin at sabay sabing, "Alis na tayo Mic. Sorry at salamat talaga." Nakangiti siya sakin pero may lungkot akong nakikita sa mga mata niya.

"Walang anuman. Sige na nga, tara na. Mukha ka ng dugyot, may pasok pa tayo." asar ko sa kaniya.

"Mic naman eh"

"Ahahah. Biro lang. Maganda ka pa din."

"Che! Iwan ko nga sayo."

YES! Mukhang ok na siya ah.😊

Hinawakan ko ang kamay niya habang naglalakad kami papunta sa kotse ko. Mahirap na, baka biglang magtampo at umalis na lang.

ASHLEY'S POV

Nagulat ako ng hinawakan ni Mic yung kamay ko.

Iwan ko nga ba, eh ganito naman siya sakin.

Pakiramdam ko naninibago ako.

Nang makarating na kami sa kotse niya ay agad niya naman akong pinagbuksan ng pinto kaya pumasok agad ako.

Habang nagmamaneho siya, di ko maiwasan mapatingin sa kanya.

Ang swerte ko kasi may bestfriend akong katulad niya.

Parang dejavu nga yung nangyari kanina.

Kasi sa tuwing umiiyak at nasasaktan ako, bigla na lang siya susulpot para damayan ako.

"Baka matunaw ako nyan Ash."natatawang sabi ni Mic kaya napaiwas agad ako ng tingin.

"Pano ba naman kasi may dumi ka sa mukha hahahah."palusot ko.

"Weeh? Di nga?"agad niya naman kinapkap ang mukha niya bago tumingin sa salamin hahahah. "Wala naman ah."

"Kinapkap mo na kasi yung mukha mo so nawala na."

"Auhh, oo nga noh."

Buti naman effective ang ginawa ko. Hahahah.

Napuno ng katahimikan ang loob ng kotse hanggang sa nakarating kami sa school.

Agad naman ako bumaba kahit palagi ako pinagbubuksan ng pinto ni Mic, hinahayaan niya din naman ako minsan pagbuksan sarili ko kasi napagsabihan ko na siya noon. Di niya naman ako girlfriend di ba, bestfriend niya ako kaya ok lang 'pag minsan di siya gentleman hahahah.

Dumiretso na lang kami sa klase namin.

Pagkapasok pa lang namin agad kaming sinalubong ni Aaron.

"Oh? Ok na kayo?"

Me-"Oo" Mic-"Hindi" sabay naming sagot.

Bigla ko naman tinignan ng masama si Mic.

"Hahaha, biro lang. Ok na kami."sabay akbay sakin kaya agad ko naman inalis iyon.

"Ikaw lang naman ang nag-iinarte kanina eh."

"Kalimutan na nga natin yun hahaha."

"Ikaw Mic ah, may iniiwas—"Di natapos ni Aaron ang sasabihin niya dahil siniko siya bigla ni Mic.

Iwan ko nga ba, hinayaan ko na lang.

Pumasok na lang ako sa loob at umupo.

——————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————

Michael+Ashley=________

WISHING YOU ALL A HAPPY & PROSPEROUS NEW YEAR🎉❤️

KAMSAHAMNIDA POP's READERS😘

PLEASE:
Vote/Comment/Share

PAST OR PRESENT?Where stories live. Discover now