CHAPTER 4 (Ex-Bestfriend?)

837 35 2
                                    

ASHLEY'S POV

"ASHLEY?!"

"Ayy! Kabayo ka!"sigaw ko dahil sa pagkagulat. Ayan tuloy nahulog ako sa sahig dahil sa biglang pagbangon ko. Ang sakit tuloy ng pwet ko.💢 Huhuh.😭 Kawawa naman ako, sahig lang ang sumalo sakin.😔

"Ashley, bumangon ka na diyan!"
Sandali lang, parang boses ni Melissa yun ah.

"Buksan mo kaya ang pinto na 'to."dinig kong sigaw ni Emily.

Ba't kaya nandito sila? Nahulog tuloy ako sa sahig. Makasigaw kasi akala mo may sunog. Eh wala naman.

"Sandali lang! Kulit naman oh."iritang sabi ko.

Agad naman ako lumapit sa pintuan at binuksan yun.

"Magligo ka na. Bilis. Baka malate tayo."sabay sabi nila at pinagtutulakan ako papasok ng banyo. Kaya ako, nanahimik na lang at pumasok agad ng banyo. Aangal pa ba ako? Isa laban sa dalawa. Talo ako noh. Lalo na bestfriend ko 'tong dalawa na 'to. Hmmp!

Pagkatapos kong maligo ay inayos ko agad ang sarili ko. Mabuti na lang malapad ang cr ko sa kwarto kaya may kabinet at dito nakalagay ang ibang uniform ko at mga kailangan ko.

Pagkatapos nang lahat ay lumabas na ko at nakita ko ang dalawang bestfriend ko na busangot ang mukha dahil sakin. Ahahah.

"Bakit ba kayo nandito?"tanong ko sa kanila.

"Nakalimutan mo ba na susunduin ka namin ngayong araw?"iritang tanong ni Mel.

"A-ah.. E-eh.. Oo nga pala. Eheheh. Pasensya."

Ayy naku. Talo naman ako. Ba't ba nakalimutan ko? Tanga ko talaga.😞

"Tara na nga sa baba baka malate pa tayo."pagputol ni Emily sa usapan kaya bumaba na kami.

Napatingin naman ako sa relo.

6:20 o'clock pa naman. 7:30 pa naman magsisimula ang klase.

Pagbaba namin, dumiretso agad kami sa kusina. Syempre breakfast muna bago pumunta sa school.

"Mga hija, kumain na kayo."

"Sige Manang, Salamat."sabay sabi nilang dalawa.

"Sabay ka na samin Manang."pag-anyaya ko kaya umupo na din siya.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami kay Manang at umalis na agad.

Kotse ni Emily ang gamit namin ngayon kaya siya ang nagdrive. Tamad kasi magdrive ngayon si Melissa. Yung akin? minsan ko lang ginagamit at isa pa sabay naman kaming tatlong pupunta sa school.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa school.

Agad naman nagpark si Emily nang kotse niya.

Pagkatapos bumaba agad ako sa kotse ganun din silang dalawa.

Pumunta na rin kami sa kaniya-kaniyang classroom namin kaya nagpaalam kami sa isa't isa bago maghiwalay.

Agad naman akong nagtungo sa classroom at pagdating ko dun wala pa ang teacher namin.

Kaya tahimik na lang akong nakaupo dito habang yung iba may kaniya-kaniyang ginagawa.

Nasan na kaya si Ma'am? Ang ingay na kasi dito at boring. Makabasa na lang nga ng libro ni @blue_maiden na The Four Bad Boys and Me.

Ilang ulit ko na ba nabasa 'to? Wahahah. Ang ganda kasi ng kuwento. Pati ang Book 2 at Book 3 nito.

"Tama na nga yan. Ahahah."natatawang sabi niya sabay kuha ng libro ko.

"Ibalik mo sakin yan!"iritang sabi ko habang pilit inaagaw ang libro.

PAST OR PRESENT?Where stories live. Discover now