CHAPTER 2

1.3K 54 5
                                    

ASHLEY'S POV

*yeongwonhi hamkkenikka*

Biglang tumunog ang phone ko kaya napabangon agad ako at tinignan kung sino ang nagtext.

(=_=")

Tsskk.. EMILY?! (ಥ_ಥ) Peste naman oh. Puro na lang GM tuwing umaga, di na kaya uso yung gm noh. Arrgghhh! 4:45 AM pa lang.

Tss. Late na kasi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ng nangyari kahapon.

Dahil gising na ko ay dumiretso na lang ako sa CR upang makaligo at makapagbihis na.

Pagkatapos kong ayusin lahat ng mga kailangan ko ay bumaba na 'ko para kumain at naabutan ko si Manang na naghahanda ng breakfast namin.

"Hi. Manang, Good Morning po."masigla bati ko.

"Oh? Ash? Ba't mas maaga ka nagising ngayon?"gulat na tanong ni Manang.

"Si Emily kasi eh. Disturbo."

"Yung bata talagang yun puro GM. Ang aga pa naman."natatawang sabi ni Manang.

"Nasan sina Dad at Mom Manang?"tanong ko. Maaga pa kasi eh.

"Ah, kanina pa silang umalis eh dahil marami pa silang gagawing importante."

"Palagi na lang."irita kong sabi.

Badtrip talaga. Kailan kaya kami ulit makakain ng sabay dito sa hapag-kainan?

"Kumain na lang tayo, may pasok ka pa."pagputol ni Manang sa usapan.

Habang kumakain kami, maraming pumapasok sa isip ko. Namiss ko na kasi yung dati. Sa palagay ko, simula  nung naging boyfriend ko si Andrew parang mas nawalan sina Mom at Dad ng time sakin. Ayaw kasi nina Mom at Dad kay Andrew dahil sa magkaaway ang parents ko at parents niya at higit sa lahat yung company namin. At isa 'yan sa alam kong dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Andrew sakin dahil tutol ang mga parents namin sa relasyon namin. Iwan ko ba kung ba't yan ang pumapasok sa isip ko? Siguro ayaw ko lang masaktan ang sarili ko o umaasa parin ako hanggang ngayon na mahal niya parin ako. Tanga ko noh? Tsk. Ganyan talaga kapag mahal mo ang isang tao handa ka maging tanga.

Pero di nagtagal pinagsundo ako ng parents ko kay Liam yung lalaking nanakit at nanloko sakin. Pinilit ko ang sarili kong mahalin siya at nagtagumpay din naman ako sa huli dahil nahulog yung loob ko sa kaniya pero di nawala yung pagmamahal ko kay Andrew. Aaminin ko hanggang ngayon si Andrew pa din yung tinitibok ng puso ko.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako kay Manang na aalis na 'ko kaya nagpahatid ako kay Manong sa school.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na 'ko sa school.

Pagkadating ko pa lang sa classroom namin ay may biglang humarang sa pintuan.

Walang iba kundi yung loko-loko kong bestfriend na si Michael.

"Huwag ka ngang humarang diyan, Mic." pataray kong sabi.

"Wow ah. Magandang bati yan sa umaga, Ash. Haha. Good Morning ah."pabirong sabi niya.

"Sorry ah. Wala lang ako sa mood ngayon kaya excuse me."inis kong sabi.

"Ok fine." natatawa niyang sabi at bumalik sa upuan niya.

Kaya pumasok na din ako at umupo.

Napatingin ako sa relo ko kung anong oras na. Psh 6:40 AM pa lang. 7:30 AM pa magsisimula yung klase namin.

Kaya naisipan kung lumabas muna at pumunta sa classroom ni Melissa.

Pagdating ko dun, naabutan ko siyang kinakausap si Emily kaya napatingin silang bigla sakin.

PAST OR PRESENT?Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz