CHAPTER 7 (Kidnap?)

601 28 0
                                    

ASHLEY'S POV

Nagising na lang ako sa sinag ng araw na tumama sakin kaya napatingin agad ako sa orasan ko sa side table. What the?! 10:36 AM na?!

Dahil sa gulat napabangon ako bigla sa kama.

At agad ginawa ang morning rituals ko.

Pagkatapos bumaba na ako para mag-almusal. Tsss.. Gutom na talaga ako. Bakit ba tanghali na ko nagising? Di man lang ako ginising ni Manang.

Habang papunta ako sa kusina ay may biglang humila sa akin at tinakpan ang bibig ko kaya agad ako nataranta.

"SINO KA?! BITAWAN MO KO! TULONG!"pagsisigaw ko kahit di naman masyadong marinig dahil tinatakpan ang bibig ko kaya nagpupumiglas ako.

Di ko makita ang mukha niya dahil may takip ito.

Nasan na kaya si Manang? Huhuh. Ayaw ko pang mamatay.

Dinala niya ako sa labas at may biglang humintong sasakyan sa aming harapan.

Walang tigil ang pagpupumiglas ko sa kaniya. Naiiyak na nga ako sa sobrang kaba.

Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan gamit ang isa niyang kamay at pinasok niya agad ako.

Pagkapasok namin, nagulat ako kasi dalawa pala kasama niya.

"Sino kayong tatlo? Ba't niyo ginagawa to?!"

"Inutusan lang kami kaya tumahimik ka."seryosong sabi ng lalaking katabi ko. Siya ang humila at tumakip sa bibig ko kanina.

"Magkano ba ang binayad sa inyo? Dodoblehin ko ang presyo. Basta palayin niyo lang ako."pagmamakaawa ko sa kanila.

"Tumahimik ka nga."iritang sabi ng lalaki sa likuran.

"Bayaan mo na siya, mamamatay din naman siya mamaya."sabi ng lalaking katabi ko. Tahimik lang ang isang lalaki sa harapan habang nagmamaneho.

"Palayain niyo ko! Kapag nakalaya na ko. Ipakukulong ko kayo."

Ay.. bobo! Tanga! Ba't yun ang sinabi ko.

Napatawa na lang sila sa sinabi ko.

Sandali lang. Yung tawa na yun. Parang kilala ko.

"Parang alam ko kung sino kayo?"

Bigla na lang huminto ang sasakyan kaya muntik na masubsob ang mukha namin sa harapan.

"Papatayin mo ba agad ako?! Hinay-hinay naman po!"sigaw ko sa nagmamaneho ng kotse at agad naman napamura ang dalawa sa kaniya.

Napalingon na lang siya sa amin at nagkatinginan kami.

"MICHAEL?!"gulat kong sabi. Agad naman siyang umiwas ng tingin sakin pagkasabi ko nun.

Di ako nagkakamali, siya si Michael. Siya ang bestfriend ko.

"Ano ba ang sinasabi mo?"iritang sabi ng lalaking nasa likuran.

Ok! Alam ko na. Sila lang pala tatlong mga ugok na 'to.

"Tigil-tigilan niyo kong tatlo ah. Malilintekan kayo sakin."iritang sabi ko sabay hablot sa takip sa mukha ng katabi ko. Huli kayo balbon. Wahahahah.

"Patay!"gulat na sabi ni Aaron.

"Letche kayo! Tinakot niyo ko! Pinagtripan niyo pa ako sa ganitong paraan!"sinusuntok ko si Carl sa dibdib niya. Siya ang lalaking humila sakin kanina. Mga walanghiya sila.

"Tama na nga! Di 'to trip. Ok? Totoo 'to!"seryosong sabi ni Carl.

Bigla na lang nanigas ang buong katawan ko kaya napatigil ako sa pagsuntok sa kaniya.

PAST OR PRESENT?Where stories live. Discover now