CHAPTER 6 (Cinema)

742 44 1
                                    

ASHLEY'S POV

*KRINNGGGG*

Agad naman akong nagising sa alarm clock ko.

Napabangon ako sa kama ko at nagtungo sa banyo para ayusin ang sarili ko.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako at nagtungo sa kusina para puntahan si Manang.

"Good Morning Manang."masiglang bati ko sa kaniya.

"Good Morning din Hija."

"Ang bango naman ng luto mo Manang."

"Oo naman. Syempre ikaw ang unang titikim nito."

"At ako lang kakain."inis na sabi ko.

"Syempre kakain rin ako noh. Ahahah."

"Ikaw talaga Manang. Umalis naman sina Mom at Dad noh?"inis na sabi ko habang inaayos niya ang lamesa.

"Oo Hija, may pupuntahan kasi silang importante."

"Palagi na lang. Bakit ba parang sinisisi parin nila sakin yung nangyari noon?"

"Huwag mo nang isipin yun. Wala kang kasalanan sa nangyari Hija."

"Oo nga Manang, wala. Kaso para sa kanila meron. Sana ako na lang yun-"

Naputol yung sasabihin ko ng nagsalita si Manang.

"Kumain na tayo Hija baka malate ka pa."

Tahimik lang kaming kumakain ni Manang hanggang sa matapos kami.

Agad naman akong nagpaalam kay Manang at nagpahatid kay Manong sa school.

Pagdating ko sa school, sinalubong agad ako nina Emily at Melissa.

"Birthday mo na bukas Ash."natatawang sabi ni Emily.

"Oo. Syempre alam ko."

"Wala bang libreng pagkain diyan? Ahahah."pabirong sabi ni Emily.

"Patay gutom ka talaga Emily."pang-aasar ni Mel sa kaniya.

"Nasan na kaya yung tatlong yun?"nagtatakang tanong ni Emily.

"Mauna na lang tayo. Susunod lng daw sila satin."sabi ko sa kanila.

Habang nakasakay kasi ako sa kotse kanina. Nagtext sakin si Michael na mauna na lang daw kami kasi may pupuntahan pa sila.

"Tara na baka maubusan tayo ng upuan sa bus."sabi ni Mel.

8:00 AM na kasi. Pupunta kasi kami ng SM para manood ng sine. Can we auto-correct humanity? yung title ng movie. Para kasi ito sa subject namin.

Sumakay na kami sa bus. Ilang minuto nakarating din kami sa SM.

Mabilis lang ang pila. Hindi kasi nila pinapatagal pa kaya nakapasok agad kami.

Pagpasok namin agad naman kami nakahanap ng mauupuan.

Marami akong nakitang mga kakilala at mga kaklase ko. Bawat isa sa kanila ay binati ako ng maaga para sa kaarawan ko bukas.

Mabuti pa sila alam nilang birthday ko bukas. Sina Mom at Dad kaya naalala ba nila? Hindi ko na kasi mapansin at maramdaman ang atensyon at pagmamahal na binibigay nila sakin. Simula nun---..

"Ash, ba't tulala ka diyan?"tanong ni Emily.

"A-ah. May iniisip lang ako."

"Para bukas ba? Ayy naku. Huwag mo nang isipin yun. Aalis lang kami ni Emily ah. Bibili lang kami ng food natin."Mel said.

PAST OR PRESENT?Onde histórias criam vida. Descubra agora