CHAPTER 5 (Friends?)

775 38 0
                                    

ASHLEY'S POV

RECESS TIME

"Ash?!"sigaw sakin ni Aaron galing sa may pintuan ng classroom.

"What?"irita kong sabi.

Nagulat na lang ako ng makita ko sa likuran nila Michael at Aaron si Andrew.

"Hmm.. Halika ka dito."

"Ikaw yung lumapit dito. May ginagawa ako."

Gumagawa kasi ako ng project namin sa PE. Recess time pa kasi kaya ginagawa ko 'to para maipasa na mamayang hapon. Malapit na lang kasi matapos kaya nagpaalam ako kanina na huwag muna sumama sa kanila magrecess pero pinadalhan ako ng pagkain ni Michael kanina. Kaya heto sila ngayon siguradong tapos na kumain.

Nagulat na lang ako ng lumapit sakin si Angel.

"Narinig ko na gusto ka daw makausap ni Andrew."Angel said.

"Huh? Di noh. Mali lng siguro yung narinig mo."

Ako? Gusto makausap ni Andrew? Isang malaking biro. Hindi ko pa kasi nakalimutan na kinausap niya ako nung birthday party ni Emily kaso lang di ko siya pinatapos sa pagsalita nun.

"Ashley."tawag sakin ni Aaron.

"Bakit ba?"iritang tanong ko.

"Huwag mo siyang pilitin Aaron." mahinahong sabi ni Michael.

"Para 'to sa kanila Mic."iritadong sabi niya.

"Kung masasaktan lang siya, huwag na."inis na sabi ni Michael.

"Ano ba kayo?"sabay lapit ko sa kanila. Baka mag-away pa silang dalawa kapag di pa ako lumapit agad.

"Gusto ka makausap ni Andrew?"nakangising sabi ni Aaron.

"Weehh? Di nga? Kalokohan." pataray kong sabi.

"Totoo, may pustahan kasi sila ni Emily."Aaron said.

"Huwag na lang."mayamot kong sabi at umalis sa harapan nila.

Ayaw kong dahil sa pustahan kakausapin niya ako.

Pumunta na lang ako sa classroom ni Emily para kausapin siya kahit nasa 3rd floor pa ang room niya.

Pagdating ko dun, agad niya akong nakita at nilapitan.

"Oh, Ash?"

"Hmm.. Totoo ba ang sinabi ni Aaron?"

"Ang ano Best?"

"Yung tungkol kay Andrew. Gusto niya kasi ako makausap dahil sa pustahan niyo."mahinahon kong sabi.

"Totoo? Nag-usap na ba kayo? Binawi ko yung pustahan best at di ko akalain na kakausapin niya ka pa."

"Hindi kami nag-usap best dahil nalaman ko na pustahan lang pala ang dahilan kong ba't gusto niya ako makausap."

"Hi Ash."biglang tawag ng isang pamilyar na boses sa likod ko kaya napalingon ako. Ohhh gossshhh.. Totoo ba 'to? Matagal ko nang hindi nakikitang nakangiti sakin si Andrew.

Umiwas na lang ako ng tingin.

"Hmm. Kamusta?"dagdag niya sa sinabi niya pero di parin ako nakatingin sa kaniya.

"Ahh.. Ok lang.. Ikaw?"

"Ok naman. Friends?"

Friends? Hindi ko alam ba't parang naiiyak ako na marinig ko yun kaya pinipigilan ko ang emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Bigla akong siniko ni Emily kaya tinignan ko siya ng may halong pagtataka. Sinenyas lang niya sakin si Andrew dahil dito napatingin ako sa taong mahal na mahal ko parin hanggang ngayon at nakita kong nakalahad ang kamay niya sakin.

PAST OR PRESENT?Where stories live. Discover now