CHAPTER 16 (Daming Tanong)

460 15 1
                                    

ASHLEY'S POV

Paggising ko nasa kwarto na ko.

Bigla ko na lang naalala yung nangyari kanina.

Nawalan pala ako ng malay.

Sino kaya naghatid sakin dito?

Si Andrew ba?

Mukhang impossible naman kasi iniwan niya na 'ko nun.

Eh kung si Liam?

Hindi naman siguro. Hindi naman ako susundan nun dahil sa nangyari.

Sino kaya?

"Oh, gising ka na pala?

"Michael?"

"Mukhang gulat ka talagang makita ako ah?"

"Bakit ka nandito? May pasok pa tayo di bah?"

"Di ba halatang akong naghatid sayo dito?" nakangisi siya habang umiiling.

Napatahimik na lang ako. Iwan ko, wala akong masabi agad. Feel ko napahiya ako.

"Ash?" hinihintay niya siguro yung sagot ko.

Ano nga yung sinabi niya kanina?

"Huh?"yan na lang ang lumabas sa bibig ko.

"Hay naku, di bale na nga. Kamusta pakiramdam mo?

"Ok naman"

"Sigurado ka? Sabihan mo lang ako kung may masakit sayo ah."

"Ok na talaga ako. Huwag kang ngang OA dyan."natatawang sabi ko.

"Hindi ako OA. Naninigurado lang. Makaalis na nga." iritang sabi niya.

"Hoy, Mic! Saan ka pupunta?" Di niya ko pinansin hanggang sa lumabas siya sa kwarto.

Matampuhin talaga ang lalaking yun. Hayyy.. kailangan ko mag-isip ng paraan para bumalik ang mokong na yun at hindi na magtampo.

Oo na, kasalanan ko naman kasi..

Hmmm..

Teka lang..

"Ahhhhhhhhh!!! Ouchhh!!! Ang sakit! Tulong!!!"sigaw ko ng napakalakas.

"Ash, anong nangyari?" nahihingal na tanong ni Mic.

Pano naman kasi.. Ang bilis niya tumabok.. Talo niya pa ang kabayo sa karera.. Biro lang.. Wahahah..

Pero grabe talaga si Michael makaconcern sakin. Pano naman kasi parang magkapatid na kami dahil sa closeness namin.

"Ash, ba't natahimik ka? Saan yung masakit? Wait, tatawag ako ng doctor." aalis na sana siya ng pinigilan ko siya.

"Huwag na Mic.. Ok na ko.. Sorry talaga kanina. Nagbibiro lang naman ako."

Sana effective.. Plssss.. Wahahah..

"Ok lang.. Kalimutan mo na yun. Magpahinga ka na lang plsss.. Mas lalo lang akong nag-alala sayong babae ka."

"Oo na po. Wahahah.. Salamat Mic."sabay yakap sa kanya ng mahigpit at hinalikan niya ko sa noo..

Nagulat parin ako nung ginawa niya yun kahit noon pa man ay ganyan na siya.

"Humiga ka na, kakantahan kita hanggang sa makatulog ka ulit."

Hindi na lang ako sumagot at sinunod ko na lang ang sinabi niya.

"Matagal tagal din nawalan na gana
Pinagmamasdan ang dumadaan
Lagi na lang matigas ang loob
Sabik na may maramdaman

PAST OR PRESENT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon