CHAPTER 11 (SCHOOL ANNIVERSARY)

557 28 0
                                    

ASHLEY'S POV

"CONGRATULATIONS GRADE 12."bati ng Principal namin pagkatapos niyang banggitin kung sino yung nanalo.

Kaya ito ngayon, sa sobrang saya bigla akong niyakap ng dalawa kong bestfriend kaya niyakap ko rin sila pabalik.

Nang maghiwalay na kaming tatlo biglang nahagip ng mata ko si Andrew na papalapit sa aming pwesto.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang napatingin sakin at napahinto sa paglalakad. Pero di ko maalis yung titig ko sa kaniya. Kaya nagkatitigan kami.

Kaso...........

"Congrats satin."malambing na sabi ni Selena sabay halik sa pisngi ni Andrew kaya napaiwas kami ng tingin sa isa't isa.

Sila na ba? Kahapon pa kasing dikit na dikit si Selena kay Andrew.

Bigla ko na lang hinatak palabas ng gym sina Emily at Mel.

"Ano ba Ash?! Saan ba tayo pupunta?!"iritang sabi ni Mel kaya napahinto ako.

Saan ba kami pupunta? Saan ko ba sila dadalhin? Arggghhhh..

"Bakit bigla mo kaming hinatak palabas?"nagtatakang tanong ni Emily.

Dahil sa tanong na 'yun, pumasok agad sa isip ko ang dahilan.

Nadala lang ako sa selos at ayaw ko silang makitang ganun.

"Sorry."yun lang ang nasabi ko sa sobrang hiya ko sa sarili ko. Ang tanga ko kasi.

"Kung may problema ka best, magsabi ka lang."nag-aalalang tanong ni Mel sabay akbay sakin.

"Ano ba ang nakita mo kaya ka nagkaganyan?"tanong naman ni Emily.

"Sila An-"

"Oo"agad na sagot ko.
Di ko na pinatapos si Mel sa pagsalita kasi alam ko naman ang sasabihin niya eh.
Itatanong niya lang naman kung sina Andrew at Selena ba ang dahilan.

"Hayy nako.. Nakakairita talaga ang bruhildang Selena na yan."inis na sabi ni Mel.

"Ahh. Si Selena pala ang dahilan. Tara resbakan natin."sabi ni Emily at naglakad pabalik ng gym kaya agad rin naman namin siya pinigilan.

"Baliw ka na ba?!"natatawang sabi namin ni Mel.

"Oh di ba? Natawa ka rin."nakangiting sabi ni Emily.

Kaya napangiti na lang ako sa kaniya.

"Alis na tayo dito."agad na sabi ni Mel habang nakatingin silang dalawa sa may likod ko. Parang may ayaw silang ipakita sakin,lilingon sana ako kaso hinatak na nila ako papunta sa kotse.

Anong problema?

*

MELISSA'S POV

Hinatak na lang namin bigla si Ashley papunta sa kotse bago niya pa makita sina Andrew at Selena.

Baka naman kasi masaktan na naman siya sa makikita niya.

Yung bruhildang Selena na yun kasi makadikit kay Andrew parang linta.

Akala niya di ko nakakalimutan yung mga kasalanan niya. Ito naman si Andrew, alam niya din naman na kaaway namin si Selena. Ayy. Mali. Si Selena lang pala ang umaaway samin, lumalaban lang kami.

Noon pa lang kasi patay na patay na si Selena kay Andrew kahit sila pa nina Andrew at Ashley nun.
Parati niya inaaway si Ashley kaya nagiging kaaway niya din kami ni Emily. Syempre di namin hahayaan ang bestfriend namin noh. Kahit magkapatayan pa.

Nang makarating na kami sa tapat ng kotse ko ay agad naman kaming sumakay.

"Saan niyo gustong pumunta?"tanong ko sa kanilang dalawa.

PAST OR PRESENT?Where stories live. Discover now