CHAPTER 14 (Michael's confusion)

472 19 0
                                    

MICHAEL'S POV

"Hi Mic, ang tagal mo naman."reklamo ni Carla pagdating ko sa bahay.

"Sorry. Ok? Busy din ako."irita kong sabi.

Peste! Siya pa may ganang magreklamo.

Bakit ba ako pa ang pinili niya magturo sa kaniya ng mga lessons na di niya pa alam.?

Tsk.. Ako lang pala ang kilala niya sa school.

Hayyy.. Siniswerte ka talaga Mic.

"Busy kay Ashley? Wow ah."

"Pagbusy. Ashley agad? Iwan ko nga sayo."sabay alis sa harapan niya.

Kahit closefriend kami ni Carla. Naiirita rin ako sa kaniya minsan dahil sa ugali niya.

"Mic? Tuturuan mo pa ako di ba?"

"Syempre naman. Alangan sasayangin ko lang ang oras kong umuwi dito para sa wala. Bibihis lang ako."at umakyat na ko sa taas.

Pagpasok ko sa kwarto, nagbihis agad ako.

~I fell inlove with my bestfriend~

Binuksan ko naman ang text.

FROM:Ashley
Hi! Mic. Good Afternoon. Galit ka ba talaga sakin? Ano bang ginawa kong mali? Sorry na plssss..

Napangiti na lang ako sa text niya.

Hayyy.. Ba't ba ganun ang inasta ko kanina sa kaniya? Ang gulo mo Mic.

Hindi ko muna siya nireplyan.

Hindi ko alam ang sasabihin.

Hayyy.. Mamaya na lang siguro.

Bumaba na lang ako.

"Magsimula na tayo."aya ni Carla.

"Sige. Kailangan mo munang basahin 'to."

"Hmmm.. Ok."

Ilang oras ko na din siya tinuruan.

Hmm.. Anong oras na kaya?

Napatingin agad ako sa relo ko.

6:30 PM na pala.

"Hayyy.. Tama na siguro Mic. Gabi na eh."

"Sige. Dito ka na lang magdinner. Nagluto kasi si Mom."

"Sige ba. Walang tatanggi sa luto ni Tita. Minsan lang 'to."

"Yeah. Minsan lang. Kasi palagi naman siyang busy."walang gana kong sabi.

"Anak. Carla hiya. Dinner is ready."

Agad naman kaming pumunta sa dining table at umupo.

"Hmm.. Kamusta kana hiya?"at nagsimula na kaming kumain

"Ito, single na ulit Tita."natatawang sabi ni Carla.

"Really? Anong nangyari sa inyo ni Ken?"nagtatakang tanong ni Mom.

Bakit kilala ni Mom sila Carla at Ken?

Anak lang naman sila ng mga kabusiness niya.

Company. Company. Tsskk..

"Hayaan mo na Tita. Marami pa naman diyan. Baka kaharap o katabi ko lang di ba Mic?"nakangising sabi ni Carla.

"Huh? Bakit sakin mo tinatanong? Kayo ang nag-uusap diyan eh."pagsusungit ko.

"Mic! Anak, bakit ang sungit mo?"

"Bakit? Hindi mo alam di ba? Kasi wala ka naman palaging oras para sakin kaya wala kang alam. Excuse me."sabay alis sa dining table at tumalikod na sa kanila.

PAST OR PRESENT?Kde žijí příběhy. Začni objevovat