Kahon
Sa isang kwadradong hugis
Isang bata'y nagtatangis
Libu-libo niyang katanungan
Walang bumalik ni isang kasagutan
Sa isang kwadradong hugis
Kalayaan ang ninanais
Naglalakad, paroo't parito
Tumatakbo, doon at ditto
Sa isang kwadradong hugis
Nag-iisang naghahapis
Nakikita'y tanging kanyang wangis
Sa buong paligid nitong hugis
Bakit, paano, ano at saan
Kadalasa'y simula ng katanungan
Ngunit sa kanya'y palaisipan
Nag-iisa nga ba siya o guni-guni niya lang?
Kaklase, pamilya at kaibigan
Sa paligid niya ay nananahan
Datapwa't ang totoo ay iilan
Isa ma'y walang pinagkakatiwalaan
Sa isang kwadradong hugis
Bawat minuto'y binabalot ng inis
Sino ang magpapalaya sa kanya
Sa mundong ang gumawa ay siya?
YOU ARE READING
Introvert's Soul
PoetrySometimes, instead of bursting out because of your overwhelming emotion towards people and things around you, it is better to write. Let the paper know all that is keeping your heart beats normally. Before you could realize it, you are slowly getti...