Padaan

6 0 0
                                    

Padaan

Sa bawat lungkot ay may saya

Saya na minsan lungkot sa iba

At lungkot ng iba kasayahan ng iba

Nakakatawang isipin na sarili lang talaga natin ang sumisira sa bawat isa.

Kaibigan na dumadaan lang,

Walang pangmatagalan

Kaibigan na nandiyan lang

Para bumuo sa atin ng pansamantala

Dapat bang pagkatiwalaan,

Ang taong minsang sumira ng kasiyahan

Nagbigay ng kalungkutan

Ngunit minsan ding bumuo ng mga karanasan

Samahan na may pinag-isipang pangalan

Maglalaho sa isang iglap lang

Maaaring hindi napahalagahan

O baka sadyang itinakda lang dumaan

Introvert's SoulWhere stories live. Discover now