Kaibigan
Salitang tiyak na mayroon ang lahat
Sa pera man ang karamihan ay salat
Dulot ng mga taong nakapaligid dito ay solidong sapat.
Silay kahalintulad ng araw at buwan
Dumadating kapag may kailangan
Umaalis kapag hindi na napapakinabangan
Ngunit kahalintulad ng araw at buwan, ikaw ay kanilang babalikan
Kabute din sila kung minsan,
Sumusulpot sa kung saan
Sa kainan ay magpapalibre yan
Mangungutang pa sayo ng walang balikan
Kapag may problema kay tatawanan at mumurahin ka pa bago ka nila payuhan.
Sabi nila dalawang klase daw ang kaibigan
Bad influence at good influence daw
Pero anut ano pa man, bastat ikay masayang kasama at mapagkakatiwalaan
Ituturing kitang kaibigan
Kaya naman sa isinulat kong ito
Nais kong sabihin sa lahat ng kaibigan ko
Na Salamat, Salamat sa inyo
Dahil kayo ay kaibigan ko
Kung bad influence man ako, pasensya naman
Pasensya kasi tao lang din ako
Tao lang din ako na may kasiyahan sa mundo
Na naidadamay ko pa kayo
Kung good influence man ako
Hindi ko man alam sa kung paanong paraan
Magpapasalamat pa din ako ng lubusan
Isa lang naman ang aminado akong kasalanan ko
Isa lang
Iyon ay ang sakit kong katamaran
Sa mga kaibigan kong araw at buwan, kabute at kung ano pa man
Salamat sa pagsama sa pahina ng librong parepareho nating sinusulatan
Sa lahat ng mayroon ako kayo ang hindi ko ipagpapalit sa bago
Kahit na walang permanente sa mundo
Korni mang pakinggan, sinasabi ko lang ay Salamat mga kaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/119604385-288-k703543.jpg)
YOU ARE READING
Introvert's Soul
PoetrySometimes, instead of bursting out because of your overwhelming emotion towards people and things around you, it is better to write. Let the paper know all that is keeping your heart beats normally. Before you could realize it, you are slowly getti...