Salamin
Ang mundo ay umiikot sa sarili niyang rotasyon
Ang tao ay nabubuhay sa sistema ng administrasyon
Gumawa ka ng maganda ang lahat ay may duda,
Gumawa ka ng masama ang lahat ay may puna
Minsan ang hirap nang lumugar diba?
Dalawa lang naman kasi talaga,
Sa mali ka ba o sa tamang sinasabi nila?
Pero saan ka pa man may masasabi sila
Sa rotasyon ng mundo na siyensya ang bumuo
Ang hirap ng alamin kung ano ang tama at totoo
Gayunpaman, hanggat alam mong tama ka, kumilos ka.
Kumilos ka upang hindi ka magsisi sa huli at masasabi mo sa sarili mo na may nagawa ka sadya lang may mga bagay na hindi mo na kinaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/119604385-288-k703543.jpg)
YOU ARE READING
Introvert's Soul
PoetrySometimes, instead of bursting out because of your overwhelming emotion towards people and things around you, it is better to write. Let the paper know all that is keeping your heart beats normally. Before you could realize it, you are slowly getti...