Nakabibighani ang bawat salita
Gwapong nilalang malusog sa mata
Mata ng isang dalagang mapaglaro
Mapaglaro na tila ba lahat ay biro"Anong hanap mo?", madalas na tanong
Tanong na ako mismo walang sagot
"Nag-aalis lamang ako ng pagkabagot"
Tanging paulit-ulit na sagotNgunit sa likod ng dahilan kong ito
Maraming gawaing naipagpapaliban
Para lamang makahanap ng kaibigan
Subalit wala, natagpua'y kalandianNauntog nanaman ang dalagang mapaglaro
Alam naman ang tama at mali
Ngunit nagpapabulag sa tamis
Tamis ng salita't, nakalulusog sa mata
YOU ARE READING
Introvert's Soul
PoetrySometimes, instead of bursting out because of your overwhelming emotion towards people and things around you, it is better to write. Let the paper know all that is keeping your heart beats normally. Before you could realize it, you are slowly getti...