Papansin
Shoutout kay kuya *** ng ***
Mga akda mong malaman
Pinatutunayan ang ibat ibang karahasan
Maaaring sa iba ay maliit lang
Ngunit sa nakauunawa ay makikita ang kahalagahan.
Istilo mo ng pagsulat ay sadyang kamangha-mangha
Unang bahagi pa lamang ay patok na sa madla
Anuman ang antas mo sa lipunan ginoo
Kung ako ay bibigyan ng pagkakataon ng mundo
Hindi ako magdadalawang isip na ikay gawing maestro
Maaaring hindi mo mapansin ang mensaheng ito
Pero sana pa din ay mabasa mo
Sana lahat ng kabataan ay kagaya mong mag-isip
Ipagpapalit ko si kuya Kib dahil sa mga akda mo ako mas nabibilib
Hindi naman sa OA at emosyonal ako
Sadya lang talaga na tuwing bumabasa ako ng mga kwento mo
Lumalaki ang paghanga ko sayo
Wag ka sanang tumigil sa pagsulat ng mga kwento
Salamat sa inspirasyon na ibinibigay mo
Sa tulad kong nangangarap maging isang manunulat na Pilipino.
![](https://img.wattpad.com/cover/119604385-288-k703543.jpg)
YOU ARE READING
Introvert's Soul
PoetrySometimes, instead of bursting out because of your overwhelming emotion towards people and things around you, it is better to write. Let the paper know all that is keeping your heart beats normally. Before you could realize it, you are slowly getti...