Kailangan Kita

9 0 0
                                    

Ang tulang ito ay isinulat ko

Hindi dahil sag alit ako sayo

At may isinusumbat ako

Bagkus ay nais kong ipadama sayo, na ikaw ay kailangan ko

Buong buhay ko naiinggit ako sa iba

Sa iba na matalik na kaibigan ka

Naiiyakan kapag nahihirapan sila

Kasunod ay ang sabay nilang pagtawa

Buong buhay ko naiinggit ako sa iba

Sa iba na suportado mo sa lahat ng gusto nila

Nakaagapay sa bawat yugto at pahina

Pahina ng librong ang titulo ay buhay nila

Buong buhay ko naiinggit ako sa iba

Sa iba na kasundo ka

Na tuwing may lakad ay magkasama

At sabay na bumibili ng mga bagay na parehong gusto nila

Buong buhay ko naiinggit ako

Dahil sa lahat ng nabanggit ko

Wala akong naranasan kasama mo

Wala akong naranasang suportahan mo ako

Wala akong naranasang gumala tayo at binili ang pareho nating gusto

At higit sa lahat hindi ko naranasang maging matalik na kaibigan mo

Sa bawat paggising ko sa umaga

Boses mo ang bumubungad at nauuna

Tila manok na walang tigil sa pagtilaok

At mundo koy tatahimik lang kapag sa paaralan ay nakapasok

Pagngiti mo, pagtawa mo at paghanga mo

Ni minsan hindi ko nakuha tuwing magkasama tayo

Marahil ay isip bata lang ako

O baka naman makasarili lang ako

Pero ikaw ang tatanungin ko? Kalian ba?

Kalian ka humanga sa mga ginagawa ko?

Kailan ka naging masaya kapag ang magkasama ay tayo? Kailan? Kailan?

Mas madali yatang sagutin kung ang itatanong ko ay kalian ka huling sumigaw sa harap ko dahil sa pagkakamali ko

Kailangan kita, kailangan kita sa bawat yugto at pahina ng librong ang titulo ay buhay nating dalawa.

Pwede bang maramdaman kong proud ka?

Pwede bang para sa akin ay maging masaya ka? Pwede bang sa lahat ng gusto ko ay sumuporta ka at pwede bang minsan ay marinig ko naman ang pagpayag kaysa pagtanggi.

Ang buhay ay parang kandilang gamit sa prusisyon

Gumaaganda ang liwanag ng apoy kapag nakikiayon ang panahon

Nakikisabay sa hangin, kaliwat kanan na katulad ng desisyon

Pero sa lahat ng maaaring deskripsyon gaya ng buhay ang liwanag ng apoy sa kandilay mamamatay pagkatapos ay itatapon.

Kailangan kita, ayaw kong hintayin na umikli pa ang panahon

Mamatay ang apoy sa kandila at itapon

Bago pa man ako magdesisyon

Dahil matatapos pa rin ang isang hapon na ikaw sa akiy mag-aahon

Ang tulang ito ay isinulat ko

Hindi dahil sag alit ako sayo

At may isinusumbat ako

Bagkus ay nais kong ipadama sayo, na ikaw ay kailangan ko

Introvert's SoulWhere stories live. Discover now