GONE
Binibisita ko ng minu-minuto kung saan tayo nagtagpo
Binabalik-balikan ko ang bawat yabag at pag-upo
Binabagtas ang bawat bakas ng luha at tuwa
Binubuhay ang handog mong rosas na namayapa
Muli ay lilisan akong may galak sa labi
Muli ay aahon akong may kahulugan ang ngiti
Muli ay sa iyong panahon ay babalik
Muli ay sa iyong oras ay pipiliting humalik
Nais kong diligan, mga rosas mong namayapa
Hiling kong umahon ang bawat lumisang ngiti
Pilit aalagaan hanggang tumulis ang tinik
Pilit isasalba kamay may lumuha sa sakit
Ayaw kong mapagod at maupo
Sa oras mo ay muli akong hahalik
Lilisan mang luha ang mga bitbit
Pilit tatayo kahit kataway nagagapo
Mapupuno ng luha ang bawat baldeng pandilig
Ipagpatawad mo rosas hindi na kita mapangiti
Nabubulag at walang tinig na marinig
Titilaok nang muli ang manok ni Mang Berting
![](https://img.wattpad.com/cover/119604385-288-k703543.jpg)
YOU ARE READING
Introvert's Soul
PoetrySometimes, instead of bursting out because of your overwhelming emotion towards people and things around you, it is better to write. Let the paper know all that is keeping your heart beats normally. Before you could realize it, you are slowly getti...