Paglisan
Sa muling pagkakataon
Muli ko namaman ibinubulong,
ang nais kong paglisan
ng hindi nagpapaalam
Para walang nakakaalam
Nakakarindi nang katawan
gusto lamang ng puso ay matahan
Mawaksi na ang dinadamdam
O di kaya ay humanap ng pupuno na lang
Makakasama ko sa paglisan,
Yung hindi ako huhusgahan
at sasamahan ako kahit saan
Sa lugar na payapat hindi magulo
O kahit sa dagat kasama ako
Ano mang anyong tubig ay ligtas ako
Lalangoy hanggang matuto
Sasabayan ang bawat hampas ng alon
O di kaya sa malapit sa talon
Tatalon, kahit di sigurado ang pag-ahon
Maiwan ko lang ang nakakabinging hangin
Kapalit ng magandang tanawin,
Kahit pa wala akong mahanap na bubuo
At mag-isa lang ako sa ilalim
![](https://img.wattpad.com/cover/119604385-288-k703543.jpg)
YOU ARE READING
Introvert's Soul
PoetrySometimes, instead of bursting out because of your overwhelming emotion towards people and things around you, it is better to write. Let the paper know all that is keeping your heart beats normally. Before you could realize it, you are slowly getti...