Pagmamahal

4 0 0
                                    

Pebrero ay nalalapit nanaman
Buwan ng pagmamahalan
Marami nanamang "bitter", magsusulputan
Mga single na wala pang katagpuan

Tama ba ang mainggit?
Sa saya ng ibang ilan ay pilit
Paghanga ng madla ay nais makamit
Sa mundong dumadami ang sikat, ika'y nagsusumiksik

Ang umasa ay masakit
Tulad din ng paghihintay
Paghihintay sa kanyang sinumpaan
Darating siya sa tagpuan

Tama bang siya na lang?
O baka naman pinanghahawakan ko'y hangin lang?
Masaya ang makipag-ibigan
Ngunit dapat ay handa ka ring masaktan

Introvert's SoulWhere stories live. Discover now