Huli

6 0 0
                                    

Huli

Huli akong sumakay sa service naming jeep ngayong umaga. Labing-apat kaming magkakapatid, ako ang ika-labing dalawa at ang dalawang kapatid kong mas nakababata ang nauuna. Hindi pa man ako nakakaapak sa unang hakbang paakyat sa sasakyan ay kita ko nang wala akong mauupuan. Sumakay pa din ako dahil isa lang naman ang dumadaang jeep sa lugar naming ito. Pilit akong sumingit hanggang sa makaupo man lang ang kalahati ng aking pwet. Sa hawakan sa kisame ay mahigpit akong kumapit suporta sa mabigat kong pwet. Mabato ang lugar namin kaya bawat bangga ay pagdaus-daos ko sa upuan. Naglabasan ang mga daga sa aking binti, pinatigas at ginawang suporta. Pagharap ko sa unahan nagulat ako sa madaming matang nakatingin. May dumi ba sa mukha ko? Tanong ko sa isip ko, sa bahay kasi namin ay hindi uso ang salamin. O baka naman sadyang halata lang ang lukot kong blouse na hindi inabot ng nasira kong plantsa namin kanina. Ipinagsawalang bahala ko sila at tumingin sa aking nakababatang kapatid. Sa kung paanong tiningnan ko siya ay siya namang titig ng iba. Ngayon lang ba sila nakakita ng kagaya niya? tanong ko ulit sa isip ko. Pero dahil sarili ko lang din naman ay wala akong nakuhang sagot. Inilahad ko ang kamay ko sa harap ng aking kapatid, ipinatak niya ang mga barya, dumukot ako sa bulsa ng aking bag hanggang sa akoy makakapa din ng barya. Binilang ko pa ang halaga at iniabot sa katabi ko, pinanuod ko iyong makaabot sa dulo.

Makalipas ang ilang minuto, ang mga kasama ko, ang mga matay naging yelo. Nagpapasalamat ako at nakarating kami sa destinasyon namin ng kumpleto. Sa pagkakataong ito ay nauna akong bumaba at saka kinuha ang wheelchair ng aking bunsong kapatid na inaalalayan naman ng isa pa.

Introvert's SoulWhere stories live. Discover now