Piso
Piso, apat na letrang kay bilis bigkasin
Kahit dalawang taong gulang ay kayang sabihin
Minsan, makikita mo na lang sa daan,
Aapakan na parang hindi napansin
Kung napapanahon at bago,
Sa dilim ay kikinang
Kung luma na at matanda
Sa dilim ay wala ng pakinabang
Ang buhay ay parang piso
Sa paglipas ng panahon ay nagbabago
Sa itsura, tekstura at halaga
Ngunit anut ano pa man ay kailangan niyang sumabay
Sumabay sa sayaw ng panahon
Bawal magreklamo at gumawa ng komosyon
Dahil iyon lang ang puwang niya sa mundo
Gaya ng buhay ng isang tao
Ang tao ay bumubuo sa buhay ng iba
Tulad ng milyon na kuhaan ng piso ay kulang na
Maaaring ang iba ay napapansin
Ngunit karamihan ay hindi iindahin
Piso, may limitasyon ang halaga
Kahalintulad ng taong hanggang kaibigan lang talaga
Mag-aaral na ang kakayahan ay hanggang dito lang
At mga taong basta binabalewala na lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/119604385-288-k703543.jpg)
YOU ARE READING
Introvert's Soul
PoetrySometimes, instead of bursting out because of your overwhelming emotion towards people and things around you, it is better to write. Let the paper know all that is keeping your heart beats normally. Before you could realize it, you are slowly getti...