The stranger in our door.
Kairos'
"What? What? Hindi kita maintindihan, Kairos. Can you just sit down for a moment and calm your tits? Sumisipa iyong anak ko sa tyan ko dahil sa'yo."
I was phasing uncomfortably in front of Telulah Consunji – Sandoval. She is my cousin. She is a very intelligent lawyer. Hindi nga lang siya nagpa-practice ngayon dahil buntis siya at medyo maselan ang kalagayan niya. She already has a son, seven years old na iyong bata, kasing edad halos ni Danielle ko.
"Can you calm down and tell me again what happened." She said calmly. Nakatingin siya sa dalawang marriage certificate ko. Hindi ko maintindihan kung paano nangyari ang kasal na ito! How the hell did it happen? How the hell can't I remember the fact that I marrid Catherine Fe?!
"Paano ako nakakuha ng cenomar kung kasal na ako by that time! This is fake! So fake! Hindi kami kasal ni Cachi! Paano ang reputation ko? Ng company? Paano ang press! Tel, they're gonna have a field day! Hindi pwedeng maapektuhan ang image ng company! People cannot know about this! It's not even real is it? Tell me!"
"Oh this, December 24 is authentic, Kairos. Ang kaso, baka kaya nakakuha ka ng Cenomar that time ay dahil hindi pa naka-rehistro itong kasal mo. Ganoon talaga lalo na kung sa civil lang kayo kasal. Hindi na siguro napansin noong nasa office. But if this is true, they hindi kayo kasal ni Iake, at may habol sa'yo itong si Catherine Fe."
"Paano mangyayari iyon kung hindi ko naman natatandaan! Loop hole iyon! Ibig sabihin iyong other party wala siya sa katinuan."
"Kung wala ka sa katinuan, bakit nakapirma ka?" Pinagdikit ni Tel iyong dalawang certificate. "Pirma mo ito, parehong- pareho. Hindi ka naman siguro pinilit. Nasa taman edad ka."
"Paano kung lasing ako?!"
"Paano ka nakapirma kung lasing ka?!"
"Paano kung hindi naman na- consummate ang kasal?!""Are you sure!"
Sasagot sana ako nang maalala ko iyong nangyari sa amin the night before I got married. Counted ba iyon?
"Kairos... so... hindi ka makasagot. Was the marriage consummated?"
Hindi pa rin ako nakasagot. That counts. Fuck! Fuck! Fuck! Paano ko ipapaliwanag kay Mariake ang bagay na ito? Kung mayroon man akong iniiwasan iyon ay ang mag-away kami. I don't want to end up having a destroyed marriage. I want to keep Mariake and my kids! Fuck again!
"May habol sa'yo si Miss Cinco, Kairos. Lalo na sa yaman mo." Alam kong nagbibiro siya pero naalarma rin ako. Kasal kami, wala siyang pinirmahang pre – nup! Fuck again! Mariake signed a prenup. Wala namang masama, sine-secure ko lang iyong para sa akin at sa mga anak ko.
"What can I do now?" Tanong ko sa pinsan ko.
"You have to find Miss Cinco." Sabi ni Tel sa akin. "But why would you do that if you can have it pulled out and destroyed. It's as if hindi nag-exist itong kasal mo. Walang makakaalam, Kairos. I just have to make a call."
Hindi ako nakasagot. I smiled at Telulah tapos ay umalis na ako. Pagsakay ko ng kotse ay tinawagan ko si Mr. Andrado – ang isa pang galamay ko.
"I have to know where the hell is Catherine Fe Cinco before the day ends or else you are going to lose your job." Hindi ko na siya hinintay sumagot. I went home to my family.
Pag-uwi ko ay sinalubong kaagad ako ni Ada. She's smiling at me, nagpapakarga pa.
"Hello, Daddy! I missed you!" She's four years old and I really love her. I really do.
BINABASA MO ANG
All I ask
General FictionKairos Vejar's life is perfect. He has a beautiful wife and two beautiful children. Lahat ay nasa kanya na at masaya siya dahil dito. Pero isang pasabog ang bumago sa buhay niya. Now, he has no idea what to do, he is confused, scared and lost. He d...