Sapinsapin
Kairos Vejar's
I put Cachi to bed. Gising pa rin siya at nagagagalaw habang nakahiga sa kama. Naroon iyong sipain niya ako. Suntukin niya ako sa balikat, kagatin niya ako sa braso tapos paulit – ulit niya akong tinatanong kung bakit hindi ko siya nagawang ipaglaban.
She sat up and kicked my shins. Napaupo ako sa sahig at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya.
"Duwag ka! Wala kang balls! Puro ka burat! Walang hiya ka! Minahal kita! Ibinigay ko sa'yo ang sarili ko! I loved you pero hindi mo ako nagawang ipaglaban!" Nakatayo siya sa gitna nang kama. Napatingin ako sa pintuan at doon nakita kong nakatayo si Elisha at si Alba. Her eyes were questioning me again – magkamata sila ni Ada, may tingin rin siyang katulad ng kay Danielle na para bang nanghuhusga.
"Bakit hindi ka sumagot?!" Sigaw ni Cachi sa akin. Pinagbabato niya ako ng unan. I rose. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso.
"Kung magsalita ka parang ikaw lang ang nagmahal sa ating dalawa. Minahal rin kita. Mahal kita!" I told her. Sinampal niya ako.
"Kung mahal mo ako wala tayong dalawa dito ngayon! Sana, ikaw ang naghahatid sa mga bata sa eskwelahan! Sana, ikaw ang nagpalit sa diaper noong kambal noon! Sana, ikaw ang katabi ko sa gabi at magigisnan ko sa umaga pero lahat iyon sana na lang! Sana! Sana! Sana!
Sana lang kasi walang ganoon, Kairose kasi putang ina ka! Duwag ka!"
"Pwes duwag ka rin!" I told her. "Tanda mo? Nagpunta ako! Pero anong nadatnan ko?! Iyong box? Iyong ibinalik mo sa akin! I was there! I came even if that's the same day as my wedding! I came Cachi pero nasaan ka?!"
Humahagulgol na siya.
"You said we'd runaway together!" I told her. "I was there! Pinili kita pero ikaw ang wala!"
"Ngayon mo sabihin na kasalanan ko ang lahat ng ito." Panghahamon ko sa kanya. Iyak lang siya nang iyak. Napaupo siya sa carpeted floor at umiyak nang umiyak.
Lumuhod ako para magkapantay kaming dalawa. I am in love with her, still after so many years. It is still her. It had always been her but things are different now.
"May pagkakataon ka..." Sinabi niya sa akin. "Pero hindi mo ko nagawang ilaban." Puno ng hinanakita na wika niya. I swallowed hard. I made her look at me.
"You are Earth."
I whispered, hoping that she would hear it but then she vomited and lost her consciousness. After all these years, palagi pa rin siyang ganito.
xxxxx
Catherine Fe Cinco's
December 01, 2007
"Kami na!"
Sigaw ko kay Kairos. Hindi pa siya nakakaupo sa dining chair ng restaurant. I am giggling like a maniac. Lalong tumindi iyong tawang iyon nang naka-hang lang siya habang titig na titig sa akin.
"Kami na ang ano?' Tanong niya. Ipinakita ko iyong singsing na bigay sa akin ni Luis nang sagutin ko siya kagabi. Kumunot lang ang noo ni Kairos habang nakatingin sa daliri ko.
"Where did you get that?"
"Bigay ng new boyfriend ko!" Sabi ko. Lalong kumunot ang noo niya. "Wala lang, sinagot ko na si Luis. Tatlong taon na kaya siyang nanliligaw sa akin tapos kilala na ako ng taty at kapatid niya kaya naisip ko nab aka hindi naman siya katulad ni Sergio. Saka isa pa, naisip ko rin iyong sinabi ni Pan sa akin, na kailangan kong mag-take ng risk para sumaya naman ako. Masaya naman ako. Sinagot ko na siya, Be, may boyfriend na ako ulit!" Iwinagayway ko iyong kamay ko sa kanya habang nakangiti. Hindi siya nagsasalita. Napansin kong nakakuyom rin ang mga palad niya.

YOU ARE READING
All I ask
General FictionKairos Vejar's life is perfect. He has a beautiful wife and two beautiful children. Lahat ay nasa kanya na at masaya siya dahil dito. Pero isang pasabog ang bumago sa buhay niya. Now, he has no idea what to do, he is confused, scared and lost. He d...