READ. AT. YOUR. OWN. RISK.
Tell me why, Kairos
Mariake Rojas'
I couldn't stay still. Si Ada ay nakayakap sa Papa niya at umiiyak. Si Mary Jane ay karga si Xhan habang may subong pacifier. Iyak ako nang iyak. I can't lose another child again. I can't lose my Xavi. He's too young!
Not a moment later, lumabas iyong nurse at tinawag ako. Agad akong tumakbo papasok. I wiped my tears and moved closer to the bed. Naroon si Xavi. Ave Maria was playing with him. He was making googly sounds, halos pumutok na ang pisngi niya kakatawa.
"What happened? Did he choke? Is he okay?"
"Oh, he is, Mariake." Sabi ni Ave sa akin. "May namuong milk sa may lalamunan niya and he almost choked pero okay na siya. I got it all out. Advice lang, every now and then, iki-clean mo iyong tongue niya." Napalunok ako. I forgot to clean his tongue a day ago dahil sa pag-aalala ko kay Ada. I talked to her on the phone and she seemed sad, dala ko na iyon sa isipan ko hanggang sa ngayon.
Naluluhang kinuha ko si Xavi at hinalikan sa noo. He was googly now. I think he was trying to say something pero ang nasasabi niya lang ay sounds. I wiped my tears.
"Thank you, Ave. Iuuwi ko na ang mga bata."
"Uhm, may bago pala kayong baby ni Kairos, hindi kami na-inform! Anong name niya?" Hindi ako sumagot. Napanguso si Ave. "Ang KJ mo naman!"
"Xavier." I said. "They're twins."
"Ang galing talaga ni Kairos!"
I shook my head.
"Hindi sila kay Kairos." I said abruptly. Nanlaki ang mga mata ni Ave at napaawang ang kanyang labi. I took that as a chance to leave the E.R. Nakita kong tumayo na si Mary Jane para sumunod sa akin. Si Kairos rin.
"Mama, okay po si Xavi?"
"Yes, anak. Uuwi na tayo."
Mabilis ang mga lakad ko paalis sa lugar na iyon. Nasa labas ang Trailblazer ni Mary Jane – oo, pwede rin siyang magkaroon ng Trailblazer – hindi naman exclusive iyon sa isang tao lang.
"Mariake." Tinawag ako ni Kairos. There was strain in his voice. Isa pa, mula nang magkakilala kaming dalawa, ngayon niya lang ako tinawag na Mariake.
"Uuwi na kami, Kairos." I said to him.
"Mariake Rojas – Vejar." Binigyang diin niya ang huling pangalang iyon. I stopped at look at him. Kinuha ni Mary Jane sa akin si Xabi matapos niyang ilagay na sa loob si Xhante. Nagsukatan kami ng tingin ni Kairos.
"You're not going anywhere." He hissed.
"I have my freewill and I am holding on to it." I said to him. Kinuha kosi Ada at sinakay na siya sa kotse. Hindi na ako lumingon. Iniisip kong kailangan ko nang bumalik ng Portland. Ayokong nandito ang mga bata – ayokong lapitan sila ni Kairos.
Ayokong maulit iyong nangyari at naramdaman ni Danielle noon. Ayokong IPA-DNA niya ang mga anak ko para lang makasigurado siya sa kung anumang pagdududa niya. Ayoko – kaya mas mabuting lumayo na lang kami.
Ada sat beside me while I hold Xavi in my arms. I keep on kissing his forehead. Napansin kong nakatingin si Ada sa pinanggalingan namin.
"Mama, galit ikaw kay Papa?" She asked innocently. I looked at her. "Kasi nag-fight kayo kanina. Sabi mo, bad makipag-away. Iniway mo si Papa? Bakit po?"
"There are things that I want to tell you, Ada but you won't understand..." I said. I smiled at her.
"Dahil po bai to sa sinabi dati ni Ate na hindi tayo ang totoong love ni Papa?" She asked. "Nag-sleep kami ni Papa sa dati kong room. He told me bedtime stories po, tapos pagkagising ko alone ako, nag-afraid ako tapos po, naka-sleep ako tapos po, pagka-wake up ko, nandoon si Mama Amal. Tapos po noong morning, kita ko si Papa sa room nila Kuya Rem at Rom, kasama po nila si Tita Cachi. Na-think ko na true po iyong nisabi ni Ate noon, baka nga mas love niya sila Kuya Rem, pero okay lang iyon sa akin basta Papa ko pa rin siya. Sabi kasi ni Papa Nilo, kapag may siblings, dapat sharing is caring daw po."

YOU ARE READING
All I ask
General FictionKairos Vejar's life is perfect. He has a beautiful wife and two beautiful children. Lahat ay nasa kanya na at masaya siya dahil dito. Pero isang pasabog ang bumago sa buhay niya. Now, he has no idea what to do, he is confused, scared and lost. He d...