AIA. 19 - Let this be the way we remember us

87.9K 3K 1.1K
                                        

Balls

Catherine Fe's

"Kailan ka babalik ng Seattle?"

Katatapos lang namin ni Kairos makipag-usap sa abogado para sa apelyido ng mga bata at katatapos lang rin namang magpirmahang dalawa. Napagpasyahan naming maglakad sa lake side para naman makapag-relax. The twins were with Alele and Elisha. Sila na talaga ang naging bantay noong mga bata. Nakakatawa, hindi ko talaga iniisip na magiging sila whatever happens.

Napatingin ako kay Kairos matapos niyang itanong sa akin iyon. I smiled.

"Next week sana. Pinag-uusapan pa namin ni Luis kung pupunta siya dito o kung uuwi na kami ng mga bata. Hey, you can visit them anytime you want!" Tinapik ko pa ang balikat niya. I was smiling at him. Ang gaan lang kasi ng loob ko ngayon.

"Mama's gonna miss them for sure."

"They can go here every summer. That is June to August. September babalik na sila sa akin kasi may school sila. They can spend New year's here. They can decide whatever or wherever they want to study kapag nasa college na sila."

Ngumiti si Kairos. "I will provide for them."

"Whatever you want, Kairos." I smiled again. Bigla ko siyang niyakap. Naiiyak na naman kasi ako. I am feeling so emotional nitong mga nakaraang gabi, siguro nase-sepanx ako kasi miss ko naman talaga siya. It's a good thing we remained friends kahit na dumating ako sa puntong kinamumuhian ko siya.

Ours was at the right love at the wrong time. Ang classic ng kanta na iyon. Na sinubukan naman talaga naming dalawa pero hindi naman talaga pwede kasi circumstances ang naging kalaban at tadhanan mismo ang umaayaw.

"Paano si Iake?" I asked him.

"Alam ko naman kung nasaa siya." Mabilis niyang sagot. Ngumiti ako.

"Kairos, kahit katiting ba wala?" Hindi siya sumagot. At mukhang wala siyang balak sumagot., Susuntukin ko sana siya nang biglang mag-ring ang phone ko. I excused myself. Si Paolo Arandia ang tumatawag sa akin.

"Oh, bakit? Nasa Pinas ka pala?" I greeted him. Matagal bago siya nagsalira sa kabilang linya.

"Cachi, you know Mariake Vejar, right?"

"Yes..." Napatingin ako kay Kairos na nagtataka kung bakit nilingon ko siya.

"Cachi, nasa ospital kasi kami."

Kinabahan ako. Napahigpit ang hawak ko sa phone ko.

"What happened?" Napalingon muli ko kay Kairos. He was looking at the water now.

"Her eldest, she was diagnosed with Multiple Myelotoma."

"Oh my god!" I exclaimed.

"Yes... so I think, you should come here. The test results came and it seemed that it's already stage three b."

I know how it feels and I feel bad about it. Iniisip ko kung paano na si Mariake ngayon.

"Sige, pupuntahan ko siya." Tinapos ko iyong tawag at saka hinarap si Kairos. Nakakunot ang noo niya.

"What happened?"

Hinawakan ko siya sa braso. Tiningnan ko siya nang mata sa mata. Naiiyak ako pero hindi ko naman kasi pwedeng ipagpaliban iyong mga sasabihin ko. I know how it feels. I know what she's thinking right now. I know that she feels like everything will never be fine...

But then, he deserves to know.

"Cachi, what happened?" He asked me.

"Kairos, Danielle has cancer. Nasa ospital na siya ngayon."

All I askWhere stories live. Discover now