AIA. 24 - If this is my last night with you

117K 3.7K 2.4K
                                        

I'm done

Catherine Fe's

Umuwi ako nang gabing iyon sa bahay ni Fatima nang hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko. Wala akong pinanghahawakan kay Kairos at kahit lumaban ako noon, kung lumaban ba ako noon, may mapapala ba ako? I realized that he was right, we really did grow apart.

"Mom!"

I smiled when I saw my sons rushing to me. Nagpakarga si Rom. Sa kanilang dalawa ni Rem siya talaga ang pinaka-clingy. Ang saya-saya niya. Napansin kong may cookie dough pa siya sa gilid ng bibig. Sumunod si Rem sa kanya na dinidilaan iyong pinky finger niya.

"What are you guys doing?" Tanong ko.

"Oh, Auntir Fatima was baking cookies and she had an extra dough so we ate it. How's Danielle, Mommy? Can we see her again? Please! We made a lego tower for her!"

"Yes, Mommy! We made a tower and then a letter. I want her to get well because she is my sister."

Hinalikan ko si Rom sa noo tapos ay ibinaba siya. I smiled at them. Nakakainis iyong sobrang kamukha sila ni Kumag. Nakakainis na kapag nakatingin silang dalawa sa akin parang si Kumag ang nakatingin sa akin. Nakakainis kasi sinubukan ko namang mag-move on pero wala, naisip kong kapag pala na-in love sa isang Kairos Vejar, nakakabaliw. Mas malakas pa iyong tama niya kaysa Red horse.

"Bukas, dadalawin natin si Danielle. Dalhin ninyo iyong letter ninyo para sa kanya."

"Alright! You heard that Rem!"

"Mommy can we give Danielle another gift?" Rem asked. "Can we go to the mass for her?"

"Of course we can." Sabi ko tapos ay hinalikan na naman silang dalawa. "You two should brush your teeth and take a bath already. It's time for bed, alright? I'll be with you in a moment." Sabi ko sa kanila. Nagtakbuhan sila papunta sa silid nilang dalawa. Natutuwa talaga ako at maayos na si Rom. At naaawa ako kay Danielle because like Rom, she's too young.

"Bukas? Ate, hindi ka pa ba babalik ng Seattle?" Napatingin ako kay Fatima. Kalalabas niya lang galing ng kusina at kasalukuyan siyang nagpupunas ng kamay. I shook my head.

"I wanna be here for Mariake." Sabi ko sa kanya.

"Ate!"

"Hindi ako nagpapakatanga pero alam mo iyon! No one was with me while I am enduring all the pain. I felt alone, crushed and lonely, but I was able to stand up, si Mariake, she's feeling exactly what I felt and no one even dared to stay beside her."

"Asawa siya ni Kairos. Iyong nananakit sa'yo, hello?"

"Asawa LANG siya ni Kairos. Pero hindi ibig sabihin na ako pwedeng magpakatao sa kanya. She needs a friend. And I noticed that she doesn't have any – I mean – iyong malapit sa kanya. Amal is the closest things she has for a friend but even her hands are tied."

"Ate ang baliw mo! Masokista ka talaga! Paano ka makaka-move on kung ilalapit mo ang sarili mo kay Kairos?! Kung ako sa'yo, bumalik ka ng Seattle at ipagdamot mo ang kambal! He doesn't deserve to know the kids! Hindi siya dapat maging Tatay!"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata tapos ay tumayo ako.

"Kung itatago ko iyong kambal, may magbabago ba? Mamahalin ba ako ni Kairos? Hindi diba? Kung itatago ko iyong mga bata, anong mangyayari sa amin? Wala. Wala, Fatima kasi kahit baliktarin ko ang mundo, si Kairos ang ama nila at karapatan niyang makilala sila. Hiding them from him will only make things more complicated. Isa pa, Vejar na sila. Naibaba na ang papel, Kairos had acknowledge them, at para sa akin, bilang ina, iyon na ang pinakamagandang bagay na mangyayari sa mga anak ko, despite of what happened between the two of us."

All I askWhere stories live. Discover now