Surprise!
Catherine Fe's
Ang tagal kong binabasa iyong marriage contract namin ni Kairos. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. Ibinigay niya sa akin iyong lakas para sirain ito. He didn't say anything. He just gave this to me. Nakalatag iyon ngayon sa kama ko at habang naglalaro si Rem at Rom ay pinagde-desisyunan ko kung anong gagawin ko.
I will think lik Kairos now.
Pros vs. Cons
Pros.
1. Perks of being a Vejar.
I smiled to myself. Is that even a perk? Mayaman man sila, napakagulo ng pamilya nila. Narinig ko si Alele noong isang araw lang na apat na investors sa airlines nila ang umalis dahil lang sa nalaman nila ang controversy kay Kairos. Nakikinig – kinig ako sa balita at doon ko naririnig na hinanap ng major talk shows si Mariake para magbigay ng side tungkol sa nangyari. Hindi pa rin naman nakikipag-usap si Kairos sa kanila at palagay ko wala naman talagang balak magsalita iyong gago – kasi nga gago siya.
Cons.
1. Makakasalamuha ko si Dione.
Ayoko kay Dione sa ngayon. Napakasama ng ugali niya sa paningin ko. Kapag nandito nga siya sa bahay, binabantayan ko iyong mga sinasabi niya sa mga anak ko.
Pros.
2. My kids will have their father. A whole family. They will be Vejars. Legal wife naman ako.
But then, nakalakihan na naman nilang Cinco sila. At hindi ko sinanay ang mga anak kong Vejar sila o maluho. Pinalaki ko sila naman sila nang simple ang buhay. Nakabuti pa nga iyon kasi close naman silang dalawa sa isa't isa.
Cons.
2.Hindi ako pwedeng magmura.
Totoo naman. Mariake is good in being the prim and proper one. Saka hindi ako mahilig magbestida. Mainit masyado.
Pros.
3. Pwedeng bumalik iyong dating feels ko noong mahal ko pa si Kairos. Mahal ko pa rin naman siya kaya lang alam kong hindi na iyon sapat para sumaya kaming dalawa. Kami man ang maging end game, alam kong hindi na ito magiging tulad noong pinangarap ko noon. Maybe Kairos and I were the "Almost."
Chos! Ang drama ng huling sinulat ko. I sighed again.
"Mommy what are you doing?" Rom asked me. Napatingin ako sa kanya. May hawak siyang leho blocks na bigay ni Kairos sa kanya noong kararating niya rito sa Pilipinas.
"I'm making a list of my to dos." Sagot ko pa.
"Mommy, I asked Rom about Ada, I haven't seen her. She told me we will play with Mr. Bear."
I stared at my boy. "Do you like Ada?"
"Yes I do!" He jumped. "I like Danielle too! She let me play with her lego too and we build a tower. She called it the Vebar Towers! And she taught me some Filipino words like maganda. She said you're maganda like her Mama. I asked her what's ugly in Filipino, she said Pangit. Alba is pangit kasi she's sungit!"
Rom giggled. Hinaplos ko ang pisngi niya. May kulay na iyon hindi katulad noon.
"Mommy, when will I see them again? Alien Lola said that I have to take care of Ada and Danielle when we grow up because they are my siblings."
"And do you want to?"
"Of course, just like Rem and I, we will take care of each other and now we have to take care of our sisters too! I like them. I like having a sister."

YOU ARE READING
All I ask
General FictionKairos Vejar's life is perfect. He has a beautiful wife and two beautiful children. Lahat ay nasa kanya na at masaya siya dahil dito. Pero isang pasabog ang bumago sa buhay niya. Now, he has no idea what to do, he is confused, scared and lost. He d...