Inom tayo, Be.
Catherine Fe's
Hindi ako mapakali nang sabihin sa akin ni Alejandros na umalis na daw si Mariake dito sa CLPH. Kabang – kaba ako. Hindi naman kasi tama itong nangyayari. Hindi siya dapat umalis. Siya ang asawa. I sighed.
Ang gulo – gulo nang lahat. Mukhang hindi naman kasi dapat ako magpunta dito. Akala ko, magiging okay ang lahat. I sighed again. Wala ako dapat dito. Dapat pinanindigan ko na lang iyong desisyon ko noon.
Bakit ba kasi umaasa ako?
Sapat na bang mahal ko pa rin siya?
I closed my eyes.
Umakyat na ako para tingnan iyong kambal pero nagkagulatan kami ni Kairos nang papasok sana ako sa silid ng mga bata pero lumabas naman siya. He sighed.
"I put the kids to sleep..." Sabi niya sa akin.
"Okay."
"Uuwi na ako." Sabi niya.
"Okay..."
He took a step away. I called him. Agad naman siyang bumalik.
"Be, inom tayo." Yakag ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin.
"You're drinking meds, Cachi. Hindi pwede."
"Oh, where's the fun in you?" I asked him. Hinawakan ko siya sa braso. "Lika na, Be, hindi mo ba ako na-miss?" Biro ko sa kanya.
"Fine... isang bote lang sa'yo."
"Unfair iyon."
Bumaba na kaming dalawa at lumabas ng bahay. May maid naman sa loob kaya hindi rin ako nag-aalala. Isa pa, naroon si Alba at Elisha. Mas alam ni Alba ang gagawin. Mature kasi siya.
Tumawag si Kairos sa restaurant para magpadala ng beer doon sa track and field. Noon kasi madala kaming dalawa nag-iinom. Nakaupo lang kami sa gitna ng field mismo tapos ay magkukwentuhan. We rode the golf cart. Ako na rin ang nag-drive. Gusto ko pa rin iyong feeling na ako ang nagda-drive noong golf cart – ang cute kasi.
Nang makarating kami roon ay agad akong tumakbo sa gitna ng field. Naroon na iyong alak namin. Hindi lang iyon, may blankee pa saka unan. Para bang magde-date kami. Tiningnan ko si Kairos.
"Gago ka no? Inom lang, hindi date?"
Nakapamulsa siyang lumapit sa akin. Ngumisi pa siya. "I couldn't help but try."
"Well, fuck." Tumawa ako. Naupo ako sa blanket yakap ang isang bote ng San Mig Lights.
"Dahan-dahan." Saway niya sa akin.
"Wala akong boss, so pwede akong magtigas ng ulo." I told him. Naisip ko si Luis, at iyong magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang umiinom ako. Pagagalitan na naman ako noon, noong minsan, isinumbong niya pa ako kay Tatay kasi ayokong magpa-check-up, ayon, from Qatar with love ang sermon nangyari sa akin.
"Si Luis ba?" He asked me. Tumango ako. "Ang tagal ninyo na ba?"
"Hmmnnn... siguro nagsimula lang ulit siya a year ago. We we're friends... for a very long time..." Tumawa ako. Bigla kong naisip iyong sa aming dalawa. Naisip ko iyong araw na pumunta ako pero hindi siya dumating tapos biglang dumating pala siya at nakuha niya iyong box na siya rin ang nagbigay sa akin. I sighed again.
"Sabi mo nagpunta ka?" Tanong ko sa kanya.
"First truth tonight, yes, I was there. I came Cachi. Nakita ko iyong box mo. I wanted so much to find you."

YOU ARE READING
All I ask
General FictionKairos Vejar's life is perfect. He has a beautiful wife and two beautiful children. Lahat ay nasa kanya na at masaya siya dahil dito. Pero isang pasabog ang bumago sa buhay niya. Now, he has no idea what to do, he is confused, scared and lost. He d...