A little too late...
Catherine Fe's
January 01, 2008
Iniiwasan ko si Kairos.
Ewan. Pakiramdam ko kasi ang sakit. Huli kaming nag-usap noong December 27, 2007. Hindi ko lang kasi matanggap na nakalimutan niya. Pakiramdam ko pinaglaruan niya ako.
"Ayoko nga." Sabi ko kay Luis na nasa bahay ko nang gabing iyon. Katatapos lang ng bagong taon at wala akong pakiala sa kahit na ano. Nag-inom lang kaming dalawa ni Luis, pumunta rin si Paolo noong tanghali, nakiinom tapos sumama pa iyong kapatid ni Paolo, si Yves. Lahat silang magpipinsan lalaki. Huminto daw ang lahi nilang babae doon sa mg tita nila pero kapag nagkaanak daw sila, lahat daw iyon gagawin nilang babae.
"Diba mag-boyfriend na kayo? Naghahalikan na kayo diba?" Tinutukso pa ako ni Luis. Binatukan ko siya. I am so drunk pero nakakapag-isip pa naman ako kaya lang hindi ko maintindihan kung bakit si Kairos, pinakasalan niya ako although hindi naman counted iyon kasi nga joke – joke lang nila sa kasalang bayan pero ayon nga, nakalimutan niya.
Sabi niya lasing daw siya. Sabi din ng doctor na intoxicated si Kairos sa loob ng dalawang araw at kaya siya nawalan ng malay kasi nga humina na ang Sistema niya pero wala pa akong nabalitaan na nakalimot. Nagtaka pa nga siya noong magising siya ay nasa ospital na siya. Ang sabi niya ang huli daw niyang naalala ay iyong nasa bahay siya ni Sabino at kausap daw niya iyong pinsan niyang si Nautica.
Ilanga raw kong iniyakan iyon. Iyong sobrang sakit na. Nakakainis kasi siya. Sabi niya mahal niya ako pero bakit ganito? Alam ko na iyong sa kanila ni Mariake ay isang press release lang. Kahit naman lumalabas sila sa tv o sa mga interviews nang magkasama, alam kong hindi siya comfortable. Hindi nga niya tinitingnan si Mariake sa mga mata noong huli kaming nag-usap ni Mariake, nagulat pa siya nang sabihin kong marunong kumanta si Kairos.
Ibig sabihin wala siyang alam. But then, hindi naman enough na kasiguraduhan iyon. Paano kung nagkakagustuhan na sila? Pwede naman akong umalma pero si Kairos... kapag kinakausap niya ako, nawawala ang agam-agam ko.
"Tang ina kamo si Kairos." Sabi ko pa kay Luis. Natawa si Luis sa akin. Sukat ba namang sinuntok niya ako sa braso. Napatayo ako tapos ay sumampa ako sa kinauupuan niya para suntukin rin siya. Tawa ako nang tawa. Pinagsusuntok ko siya sa braso. Umiiwas siya kaya siguro nalaglag kami sa sahig. Nakaupo ako sa may tyan niya.
Kiniliti niya ako kaya napagiling ako palayo. Hinampas ko naman siya sa braso.
"Gago!" Tumayo na ako para iayos iyong sarili ko. Napansin kong nakabukas iyong pinto ng bahay kaya lumapit ako roon para isara iyon. Bumalik ako sa loob para mag-ayos na. Si Luis naman ay nagpaalam na. Uuwi na daw siya sa kanila at baka hinahanap na daw siya sa kanila.
Nag-stay lang naman ako sa bahay. Nagbabakasakali ako na baka pumunta si Kairos. Alam ko kasing nasa Malaysia sila ngayon ng pamilya niya. Nang dumating ang hapon, naisip kong magpunta na lang sa mall kasi hindi naman na darating iyon. Hindi niya rin ako tinetext baka kasi busy rin siya. Family day nga naman kasi ngayon.
I watched a movie tapos naggrocery ako. Tanggap ko nang hindi naaalala ni Kairos ang mga bagay na iyon. Wala namang ipinagkaiba, mahal naming ang isa't isa. Hindi mababago iyon.
Umuwi ako sa bahay nang gabing iyon, nakatulog nang naghihintay sa text niya pero wala. Hindi ko naman na ininda. Kapag hindi na siya busy, babalik din iyon.
Pero lumipas iyong apat na araw nang walang Kairos na dumarating o tumatawag sa akin. Iyong apat na araw, naging Tatlong linggo. Nagtataka na talaga ako kaya nagpunta na ako sa bahay nila and luckily, si Elisha ay naroon at si Pan.

YOU ARE READING
All I ask
General FictionKairos Vejar's life is perfect. He has a beautiful wife and two beautiful children. Lahat ay nasa kanya na at masaya siya dahil dito. Pero isang pasabog ang bumago sa buhay niya. Now, he has no idea what to do, he is confused, scared and lost. He d...