AIA.17 - And since your the only one that matters, tell me who do I run to?

89.4K 3.2K 1.2K
                                        

Masakit

Catherine Fe's

May mga bagay yata talagang hindi meant to be. Nakangiti ako habang tinitingnan si Kairos na hawak ang kamay ni Eros habang may kausap sa phone. Hindi ko alam kung anong nangyari na sa kanila ni Mariake. Maliban kasi sa naubos namin kagabi iyong isang case ng Sam Mig Lights ay wala na kaming napag-usapan maliban na lang sa kung ano sanang nangyari sa amin kung nagkita kami noon.

Nawala iyong mabigat sa puso ko matapos naming mag-usap na dalawa. Kahit paano ay naintindihan ko naman siya. Sabi nga ni Uncle Ben with great power comes great responsibility. Nabanggit niya sa akin na muntik nang mawala ang kompanya nila sa kanila dahil lang sa nanghihina na si Uncle Zeus noon. The board doesn't apporve of Alejandros because he is gay - isang bagay na kinagalit ni Kairos nang husto. Unfair nga naman kasi iyon.

"Mommy, are we still going back to Seattle? I miss Uncle Daddy." Napatingin ako kay Rom. Kumakain siya sa tabi ko. Si Elisha ay nakatingin rin sa anak ko.

"Don't you miss Uncle Daddy?" He asked again.

"Of course I miss him. Babalik na tayo may aayusin lang si Mommy." Sabi ko pa sa kanya. Tumango siya.

"Can we call him later?" He asked me again.

"Sure!"

Ginulo ko ang buhok ni Rom tapos ay bumaling ako kay Kairos. He was still in the phone.

"I don't think, Alba likes him." Sabi bigla ni Elisha. Natawa ako.

"Alam mo namang judgmental iyang anak mo." Tawa ako nang tawa.

"Mas gusto pa nga ni Alba si Percy kaysa sa kanya. Ewan ko ba. Nami-miss mo ba talaga si Luis?" Nanunudyo siya. "Siguro iyong bird niya iyong nami-miss mo."

"Loka!" Lalo akong natawa. "Pero shige na nga!"

"Ay! Daks ba? Si Alele super duper daks!"

"Tado!" Sinipa ko iyong ilalim ni Elisha. Lalo akong natawa nang makita kong clueless na clueless sa akin si Rom.

"Mommy you are speaking, Tangalog again. I cannot understand you and Mama Lisha."

"Baby, it is Tagalog." I kissed him. Muli akong napatingin kay Kairos nang ibato niya iyong phone niya sa lake. Ano na naman ang problema nito?

"Siguro sumabog na iyong nangyari kahapon." Sabi ni Elisha. Napakunot ang noo ko. "May naglabas noong video nang pag-amin ni Mariake na hindi siya ang asawa and now people are calling her names. Gold digger. Power hungry bitch. Nakakainis lang kasi ang bait naman ni Iake." Sabi pa ni Lisha. "Saka anong gold digger? Eh may prenup sila. Lahat ng kay Kairos kahit mag-asawa sila, kay Kairos pa rin."

Nakadama ako ng awa para kay Iake. Paano na ang mga bata? Danielle must really hate me now. And speaking of, nakita kong dumating si Dione sa at si Pan sa lake side. Nakita kong napansin ni Kairos ang kapatid niya pero hindi sila nagkibuan. Dione went straight to Rom. Si Rem kasi ay kasama ni Alele. Napi -fishing sila.

"Hi little man!"

"Hello!" Hinalikan niya si Rom. Si Elisha ay napailing.

"Dione bakit mo sinabi sa mga pamangkin mo iyon?" Tanong ko sa kanya. Natigilan siya.

"I never liked Mariake for Kuya. Dapat ikaw iyong kasama niya. Dapat itong mga pamangkin ko hindi nag-suffer. Hindi sila Vejar and it was all because of that bobitang babaeng puro boobs pero walang utak. Pera lang habol niya sa amin." Mataray na sagot niya. Napailing ako.

"Do you know that Mariake signed a prenup?" Elisha spoke. "I'm just saying."

Natigilan si Dione tapos ay nagkibit -balikat.

All I askWhere stories live. Discover now