AIA. 23 - 'Cause what if I never love again...

101K 3.3K 2.8K
                                        

Nothing happened

Kairos Gregor Rouvin Dela Monte – Consunji – Vejar's

"Cachi..."

Catherine Fe looked at me. Nakaupo kami sa waiting lounge kasama ang buong pamilya ko at naghihintay kami kay Danielle. Maga ang mga mata ni Caterine pero nagawa niya akong tingnan.

"Stop saying sorry. Lalo lang akong nasasaktan." Bulong niya sa akin. Hinawakan ko na lang ang kamay niya. I wanted to be with her because I know she needs me, kahit na ako pa ang may kasalanan nang sakit na nararamdaman niya, alam ko rin na pwedeng ako ang makaalis niyon. I noticed that she was looking at Mariake who was sitting with her Dad. Nakayakap lang si Iake sa braso ng Daddy niya. Nakukuyom ko ang mga palad ko.

Ako dapat ang katabi niya. Ako dapat ang karamay niya pero alam kong kapag lumapit ako sa kanya lalo lang siyang masasaktan. I could hear her heart breaking from afar and I want to mend it but how can I? Naging ganito siya nang dahil sa akin.

Lumabas iyong doctor. Napatayo kaming lahat.


"Doc, how's my girl?" I asked. Inalis noong doctor iyong mask niya.

"I'm sorry, Mr and Mrs. Vejar. But the cancer had spread in her body."

Hindi ako makapagsalita. Si Iake ay napaupo. Humawak siya sa Daddy niya at saka umiyak.

"We need to do the operation bago pa man pumunta sa baga niya ang cancer cells. Can I talk to you?" The doctor looked at us both. Sumunod ako sa kanya, si Iake ay nilingon ko. Sinama niya si Ate Amal. Nakakainis na para bang hindi niya kayang makatagal sa iisang silid nang ako ang kasama.

We went to the doctor's clinic. At doon, tinapat niya kami.

"Your daughter is in danger. Mabilis ang pagkalat ng cancer cells sa katawan niya and she badly needs to be operated on. Nasa limbs na niya ang cancer cells at ang iniiwasan ko ay ang pagpunta nito sa baga niya dahil kapag naroon na iyon ay wala na akong magagawa kundi ang patagalin na lang ang buhay ng bata but I cannot give you that assurance."

"Then do everything to save my daughter." Sabi ni Iake na nanginginig ang boses pero naroon pa rin ang poise and composure. Amal held both our hands.

"Yes, Mrs. Vejar. Actually, the test results of the donors came in earlier today." Sabi ng doctor. Donors? Iyon ang mas nakakuha ng atensyon ko. "There were two donors, of course, Mr. Vejar is one of them and the other one is Mr. Arandia, your dear friend, Mrs. Vejar."

Nakuyom ang mga palad ko. Humigpit ang hawak ni Amal sa akin. Si Iake ay nakatingin lang sa doctor. Biglang nanginig ang buong katawan ko.

This is my greatest fear. I swallowed. I looked at Mariake.

She actually lost weight. She seemed very sad, kulang sa tulog but her grace was still there and I admire her for how she carries herself in the middle of all of these. She is a very independent woman and I sometimes question that – kailangan niya ba talaga ako, kasi pakiramdam ko – lalo ngayon ay kayang – kaya niyang mabuhay nang nag-iisa. She is a self sufficient woman...

I took a deep breathe again. Alam kong iisa kami ng iniisip ni Amalthea. Ngayon pa lang iniisip ko na kung anong sasabihin ni Iake sa akin at ngayon pa lang, sumasakit na ang puso ko. Kapag nalaman niyang alam ko na rin iyon, if this gets out, sasama ba siya kay Paolo? Paano naman ako?

I wanted to cry out loud.

"So, what happened with the results?" Iake asked the doctor.

"Of course, that's a no brainer. Mr. Vejar matched Danielle's bone marrow. We actually have a donor. It matched your husband, Mrs. Vejar."

All I askWhere stories live. Discover now