AIA. 06 - Don't get me wrong, I know

99.8K 3.8K 1.3K
                                        

The Geminis

Cachi's

March 23, 2003

"Good morning, Miss Cinco."

It's eleven in the morning and I just got out from an eight-hour shift. Nag-text lang si Kairos sa akin na susunduin daw niya ako pagkatapos ng duty ko. Nagreply lang ako ng K. Alam naman na niya kung anong ibig sabihin noon. Ang busy ko naman kasi kanina. Ang daming tao tapos umaga pa lang may namatay na. Grabedad!

Agad akong inabutan ni Kairos ng Hot Chocolate galing sa paborito kong bubuyog. Binuksan naman kaagad niya iyong pinto ng kotse para makasakay na ako. Sumunod siya. I smiled at Kuya Marvin.

"Good morning, Kuya Marvin. Saan po tayo pupunta?"

"Sa CLPH daw, Miss Cinco."

Tumingin ako kay Kairos. Naka-coat and tie siya na kulay gray. Ayos na ayos iyong buhok niya. Ngumisi ako. Ginulo ko iyon.

"Catherine, did that make you mature?" Kunot noong tanong niya. I made a face. Ang sungit. "Drink your chocolate. Take a nap. It's gonna be a long drive."

"Ano bang gagawin natin sa CLPH?" I asked him. May binabasa siyang mga papers. Hindi niya ako pinapasin. Nasa EDSA na kami noong sumagot siya.

"Hindi ka pa nakakapunta roon. Kaya dadalhin kiya. Plus, Mama's asking for you. Hindi ka kasi nagpunta noong birthday ni Dione. She got worried."

"Alam mo namang may duty ako noon. Nag-text naman ako kay Tita Gianna." Nakibasa-basa ako sa papers niya. Napapalatak siya tapos ay binitiwan niya iyon. He looked at me. Nilapit niya pa iyong mukha niya sa akin. Tinulak ko siya.

"Ih! Titig ka nang titig baka ma-in love ka." Inis na sabi ko. He grinned.

"I told you. I will never fall for your charms."

"Kinikilig ako kapag sinasabi mong may charms ako. Nagpapasin na nga ako kay Dr. Fronda kanina, Be, kaya lang sinabihan niya lang ako ng cute. I want to be sexy." Tumawa si Kairos. Mapang-inis talaga iyong tawa niya na iyon. Ininom ko iyong hot choco ko sa sobrang inis, ayun, nabuga ko. Napaso tuloy ako.

"Oh, ano? Hot ba?" He asked. Sinuntok ko siya sa balikat. "Bakit ba kasi parang sabik ka sa chocolate?" Naglabas siya ng panyo tapos ay pinahid ang tsokolate sa labi ko. I was looking at him. Ang gwapo talaga ni Kairos. Hindi ko alam kung bakit parang araw- araw nagiging gwapo siya. Siyan a yata iyong pinakagwapong nakilala ko.

"Don't stare too much, you might fall." Wika niya sa akin tapos ay hinipan ang mukha ko. Ang bango ng hininga niya. Parang Colgate Plax Fresh Green Tea! Napakagat-labi ako. Nagtitigan lang kami ni Kairos tapos kumurap ako. He grinned. "You lost. You blinked."

Aba't! May staring contest pala kaming dalawa. Hindi na ako kumibo. Tahimik na lang ako. Nakakainis siya. O baka kaya ako naiinis kasi inaantok na ako. Inaantok na nga talaga ako at nakakatulog na, nagulat ako nang bigla akong hatakin ni Kairos. Pinaulo niya ako sa lap niya. I smiled at him. I had always been comfortable with him.

Noon una ko siyang nakilala, ang awkward niya kasi ang weird. Wala siyang ibang sinasabi sa akin kesyo mayaman siya, assets and liabilities, chuchu. Love is a business venture. Pero nang matapos kami sa phase na iyon ay naging tao na siya para sa akin paunti-unti. Ngumingiti na nga siya, natawa ako noong first time kong marinig ang tawa niya – iyong may snoryt pa talaga.

"Kai..." Tinawag ko siya. He hates being called Kai kaya nga sumimangot siya at lalo akong hindi pinansin. "Kairos be..." Kiniliti ko siya sa kili-kili. Napatawa siya.

"What? Stop playing around!" He hissed.

"Bakit wala kang girlfriend? Two years na mula noong huli."

All I askTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon