AIA.10 - Give me a memory I can use

92.4K 3.7K 1.3K
                                        

All out

November 07, 2004

Catherine Fe's

Nagulat ako dahil pag-uwi ko sa unit ko ay naroon na si Kairos. Nakaupo sa couch ko at nanonood ng tv habang nagkakape. Mukhang hindi niya ako napansin.

Ginabi ako ng uwi kasi nag-grocery ako, isa pa, kasama ko si Luis. Ipinakilala niya ako kay Mr. Limuel Arandia. Iyong Tatay niya. Nagulat lang din nga ako. Akala ko kakain lang kami sa loob ng mall, iyon pala naroon na si Papa niya saka iyong kapatid niyang college pa lang, si Louie. Dalawa lang silang makapatid tapos parehong lalaki pa.

Napasarap iyong kwentuhan namin. Kaya iyong ice cream na binili ko natunaw siya pero pinalitan naman ni Luis pagkatapos, hinatid niya ako dito sa bahay. Nakatingin lang ako kay Kairos. Hanggang sa dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Ngumiti naman ako na para bang nagpapa-picture sabay may peace sign pa.

"Saan ka galing?" He asked me. Tumingin pa siya sa relo niya. Nine pa lang kaya. "Uwi ba ito ng matinong babae?" Kalmado naman ang pagtatanong niya kaya lang may something sa mga mata niya.

"Grabehan ka sa akin. Kasama ko kaya si Luis." Sabi ko sa kanya saka ako naglakad sa kusina para ilapag ang pinamili ko. Agad kong inilagay iyong ice cream sa ref. Paglingon ko nasa counter na si Kairos at nakatingin sa akin. Napapansin kong hindi na siya madalas ngumiti ngayon.

"Boyfriend mo na ba iyon?"

Nagkibit – balikat ako.

"Hindi pa. Baka. Ewan ko. Siguro. Gusto ko naman kasi siya kaya lang..." I paused and looked at him.

"What? What? Don't pause! Ano iyong kaya lang?"

"Kaya lang natatakot ako. Baka kasi maulit iyong kay Sergio dati." Malungkot na sabi ko.

"Oh be..." He said. Nagulat ako nang bigla na lang niya akong yakaping nang mahigpit. Natigilan lang ako. Tiningala ko siya. Medyo nakanguso pa ako.

"Nami-miss kita." Sabi ko. "Pansin ko kasi masyado kang busy nitong nakaraan."

"Isang buwan halos kami nila Papa sa Davao, alam mo naman, nagkaproblema sa branch doon." He smiled. "But I was always thinking of you." Kinindatan niya ako. "Gusto mo dito ako matulog ngayon para may kayakap ka?"

"Sus! Palagi ka namang dito natutulog." Sabi ko pa. Siya na ang nag-ayos ng mga supplies ako. Ako naman ay naligo na at nagbihis ng pantulog. Nang muli akong lumabas ay nakaupo na naman siya sa couch. Naupo na rin ako sa tabi niya. He pulled me closer para nakahiga ako sa katawan niya. His arms were around my waist tapos ay nanood lang kami ng balita. He was playing with my hair.

Nakakatulog na nga ako pero nanlaki ang mga mata ko noong makita ko ang mukha niya sa tv.

"Ay shit! Commercial mo!" Napatayo ako. "Tang ina, Be! Ang pogi mo sa tv!"

Iyong scene sa TV naglalakad si Mariake sa loob ng mall. Ang ganda ng legs niya! Ang ganda niya tapos nakarating siya sa rooftop kung saan naroon si Kairos. May hawak siyang red rose tapos sa likod niya, biglang lumabas iyong private plane nila na may nakalagay na Vejar Airlines. Sabay iyong tagline nilang...

Travel with the Vejars, you will reach heaven.

Saka nag-fade iyong commercial.

"Be, ang intense!" Sabi ko sa kanya. Pinangigilan ko iyong tuhod niya. "Ang gwapo – gwapo mo! Bagay kayo ni Mariake! Perfect couple!"

He made a face.

"Hindi ko siya gusto." Malumanay na sabi niya. "Mama's only fond of her. Natuwa kasi siya dahil sa confidence yata ni Mariake noong competition."

All I askWhere stories live. Discover now